Janine Gutierrez damay sa pag-‘snub’ ni Jericho Rosales kay Kim Chiu
tonite.abante.com.ph
Wednesday, February 11, 2026
May ilang katekaterang nakapansin na diumanoý inisnab ni Jericho Rosales si Kim Chiu nang mag-guest ang una sa isang noontime show para i-promote ang kanilang movie ni Anne Curtis. Ayon sa mga nagmamaldita, bineso ni Echo ang lahat ng female host ng show maliban kay Kim. Dahil dito, may mga nang...
May ilang katekaterang nakapansin na diumanoý inisnab ni Jericho Rosales si Kim Chiu nang mag-guest ang una sa isang noontime show para i-promote ang kanilang movie ni Anne Curtis.
Ayon sa mga nagmamaldita, bineso ni Echo ang lahat ng female host ng show maliban kay Kim.
Dahil dito, may mga nang-iintrigang may bad blood daw ba na namamagitan sa dalawa?
May ikinokonek pa ang pangyayari sa relasyon ng aktor kay Janine Gutierrez na dating rumored ex ni Paulo Avelino na ngayon ay ka-love team ng Chinita actress.
Matatandaang recently lang ay nag-viral ang pagkikita nilang apat sa birthday ng isang executive ng online streaming platform na isang pambihirang pangyayari.
Sa nasabing sighting, may mga nagpapalagay na all’s well that ends well na kina Kim at Janine.
Ito naman ang samu’t-saring reaksyon ng mga nagmamahadera sa nasabing isyu.
“Anyare? Was it just a slip or sadya? You hugged all the female hosts except her. Last time you were in ST to promote a movie, friendly ka pa. So ano yun sa last birthday gathering, fake lang? I really hope it was just a slip or I may start looking at you differently from now on. Magaling ka pa naman na aktor.”
“Napansin ko rin Yun… Pati yung sagot nya sa tanong ni Kimmy… Buti sumalo c Anne. But anyway, whatever, hayaan na natin, …”
“Feeling ko siya ang gumaganti siya sa lahat ng d maganda tinitira sa BaBa ng mga KP.”
“Grabe noh.bka nag lunch cla ng ampalaya pro kidding aside wag na tyong mag engage need nila mag ingay kc ngayon.focus tyo sa mains naten”
“Baka dahil Kay Janine”
Bukas naman ang pahinang ito sa panig nina Kim at Echo hinggil sa kontrobersya.(Archie Liao)
The post Janine Gutierrez damay sa pag-‘snub’ ni Jericho Rosales kay Kim Chiu first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph

