Raffy Tulfo kinastigo ang NBI, PNP, iba pang law enforcer sa online sugal
tonite.abante.com.ph
Wednesday, February 11, 2026
Dinikdik ni Senador Raffy Tulfo ang mga law enforcement agency dahil sa pagkabigo umanong ipasara ang online gambling na patuloy na pinatatakbo ng mga kilalang gambling lord sa Central Luzon at Cordillera Autonomous Region (CAR). Sa pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement sa panukalan...
Dinikdik ni Senador Raffy Tulfo ang mga law enforcement agency dahil sa pagkabigo umanong ipasara ang online gambling na patuloy na pinatatakbo ng mga kilalang gambling lord sa Central Luzon at Cordillera Autonomous Region (CAR).
Sa pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement sa panukalang Anti-Gambling Act, sinita ni Tulfo ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT), at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pagkabigo ng mga ito na ipatigil ang operasyon ng online gambling na pag-aari umano ng mga “Pineda” sa Central Luzon at mga “Bernos” sa CAR at Abra.
Hindi binanggit ni Tulfo ang kumpletong pangalan nina Pineda at Bernos sa pagdinig. Subalit may pagkakataong nasambit niya ang pangalan ni Bong Pineda ng Pampanga pero binawi niya ito at ginawang Pineda na lamang.
Tinanong ng senador ang mga naturang ahensiya tungkol sa online gambling ng pinapatakbo umano ng mga Pineda at Bernardo subalit walang naisagot ang mga opisyal ng nasabing mga law enforcement agency.
Sabi pa ni Tulfo, nahihirapan ang mga awtoridad sa malalaking gambling lord dahil napaka makapangyarihan umano ang mga ito.
“This is a challenge to the PNP, NBI, and then the PAOCC, show to us na hindi kayo incompetent. Na hindi kayo friendship ni Pineda at ni Bernos. Ipatigil n’yo itong online sabong nila. Hanggang ngayon ang tapang di ba?” ayon pa sa senador. (Dindo Matining)
The post Raffy Tulfo kinastigo ang NBI, PNP, iba pang law enforcer sa online sugal first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph
20 minutes ago
Pascal Siakam sinalba Indiana Pacers kontra New York Knicks

21 minutes ago
Union Minister Hardeep Puri says Rahul Gandhi indulging in ‘smear campaign’ against him, acknowledges Epstein meetings
22 minutes ago
10 stolen bikes worth ₹3.5L recovered, two juveniles held
23 minutes ago