SportsIndiana Pacers1 hours ago

Pascal Siakam sinalba Indiana Pacers kontra New York Knicks

tonite.abante.com.ph

Wednesday, February 11, 2026

2 min read
Share:

Walong player ng Indiana ang naglista ng double digits sa pangunguna ng 30 ni Pascal Siakam at naligtasan ng Pacers ang end-game rally ng New York Knicks para ipreserba ang 137-134 overtime win noong Martes ng gabi. Bumakas ng 24 points, 10 assists si Andrew Nembhard, may 19 points si Quenton Jac...

Walong player ng Indiana ang naglista ng double digits sa pangunguna ng 30 ni Pascal Siakam at naligtasan ng Pacers ang end-game rally ng New York Knicks para ipreserba ang 137-134 overtime win noong Martes ng gabi.

Bumakas ng 24 points, 10 assists si Andrew Nembhard, may 19 points si Quenton Jackson sa 80th National Basketball Association 2025-26 regular season sa Madison Square Garden.

Na-outscore ng Indiana bench (14-40) ang counterparts 43-18.

Nilista ng Pacers ang first 9 points ng OT, sapat para ipagpag ang matinding buwelta ng New York (34-20) sa final 24 seconds. Humarabas ang Knicks ng 8 points sa loob lang ng 20 seconds.

Naghatakan ang magkatunggali sa 39 lead changes, pinakamarami sa NBA ngayong season.

Lamang pa ng apat ang Indiana sa huling 1:49 ng regulation pero na-outscore ng Knicks 7-3 huli ang pandiing free throws ni Karl-Anthony Towns 0.2 seconds na lang sa orasan para ibuhol sa 124-124.

Tapon sa basurahan ang 40 points, 5 rebounds, 8 assists ni Jalen Brunson at triple-double na 15-11-11 ni Josh Hart sa Knicks. May 22 points din si Mikal Bridges at 17 kay Landry Shamet.

Tumapos si Towns ng 22 markers, 14 boards bago na-fouled out 2:14 pa sa extra time. (Vladi Eduarte)

The post Pascal Siakam sinalba Indiana Pacers kontra New York Knicks first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph