Sikat na male personality P20K na lang ang datung sa bangko
tonite.abante.com.ph
Monday, February 2, 2026
Kawawa naman ang sikat na aktor na pahulaan sa programang ‘Showbiz Pulis’ ng Abante tuwing Sabado at Linggo, 2PM. Paubos na raw ipon ang aktor dahil hingi nang hingi ang kanyang ermat. Instead na gastusin sa magandang bagay, nalulong sa sugal. Nagpapakapagod, nagpupuyat sa shooting ang aktor pero...
Kawawa naman ang sikat na aktor na pahulaan sa programang ‘Showbiz Pulis’ ng Abante tuwing Sabado at Linggo, 2PM.
Paubos na raw ipon ang aktor dahil hingi nang hingi ang kanyang ermat.
Instead na gastusin sa magandang bagay, nalulong sa sugal.
Nagpapakapagod, nagpupuyat sa shooting ang aktor pero winawaldas lang ng nanay.
Nauntog ang male personality nang malamang nilustay ang binibigay niyang kadatungan sa bisyo.
Tinitipid niya ngayon ang kanyang pamilya dahil kailangan niyang bumawi.
Galit ngayon ang madir ng aktor. Maramot daw ito.
Feeling niya ay ganoon pa rin kalakas kumita ang kanyang anak . Hindi nila alam na matumal ngayon ang daloy ng pera sa male personality lalo’t maraming bata at sikat na artista na nagsusulputan. Hindi naman gaya ng dati na kaliwa’t kanan ang proyekto niya.
( Roldan Castro)
The post Sikat na male personality P20K na lang ang datung sa bangko first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
