Uncategorized1 hours ago

Kampo ni Rhian Ramos kinontra ang reklamo ng driver

tonite.abante.com.ph

Thursday, January 29, 2026

4 min read
Share:

Kinontra ng malapit kay Rhian Ramos ang reklamong pambubugbog diumano ng actress sa kanyang driver. Hindi raw magagawa ni Rhian ang mga akusasyong binabato sa kanya. Bukod kay Rhian, dinamay rin ng driver ang actress at kaibigan niya na sina Michelle Dee at Samantha Panlilio na nambugbog diumano ...

Kinontra ng malapit kay Rhian Ramos ang reklamong pambubugbog diumano ng actress sa kanyang driver.

Hindi raw magagawa ni Rhian ang mga akusasyong binabato sa kanya.

Bukod kay Rhian, dinamay rin ng driver ang actress at kaibigan niya na sina Michelle Dee at Samantha Panlilio na nambugbog diumano sa kanya.

Pero para sa fashion stylist ni Rhian, dapat daw munang alamin din ang panig iba pang sangkot sa insidente.

Post sa Instagram story ng fashion stylist na si Aldrin Ramos, “There are always two sides to every story! I know Rhian for quite some time now and she’s a genuine person. Her driver has been with her for ages (15 or 20 years maybe). I’m sure she loved him and I am a witness to that. We are just here for you sissy, @whianwamos)!! This will all be over in God’s time.”

Ni-repost ng mga netizen ang IG story ng fashion stylist ni Rhian. At sa caption ay ni-reveal ng netizen ang umano’y paglapit kay Rhian ng misis ng kanyang driver.

Caption sa repost, “Ansaket na matagal na pala si Kuya Driver na nagtatrabaho sa kaniya. No wonder na ‘yung asawa niya pa ang lumapit sa kanila para sabihin ang maling ginagawa ni Kuya.”

Nagdududa rin ang mga netizen na parang wala naman daw masyadong nakita na mga marka ng umano’y pambubugbog sa katawan ng driver.

“Ang minimal nung galos for that serious accusations 😌 dun palang medyo nakakataka. 😪 and yung building sa Makati and yet no injuries? Like paano?! 🤯

Nakasaad din sa statement ng complaint ni Rhian sa otoridad na sinabihan na si driver ng misis niya na agad sabihin sa kanilang celebrity employer ang laman ng mahiwagang ampao.

Ayon sa dokumento ng complaint ni Rhian laban sa kanyang driver, ang misis niya raw ang nakakita ng ampao na umano’y naglalaman ng mga litrato.

Nakasulat pa sa dokumentong ipinasa ng mga abogado ni Rhian, “Complainants explains that the photographs were kept inside an ampao and originally contained nine (9) photographs.

“However, when respondent returned the ampao, one (1) photograph was already missing.”

Dahil dito, binatikos pa more ng mga netizen ang driver ni Rhian .

“Eh asawa naman pala niya yung umamin na meron talaga. Haha.”

Ni-reveal din ng netizen na ang mga larawan na pinag-ugatan ng insidente ay pag-aari ni Michelle.

“Ante nagnakaw naman pala ng private pics ni Michelle Dee itong lalake so bat kayo naaawa sakanya? kapag talaga mga babae involve sa ganto bibilis niyo humusga eh noh”

“Tinorture daw si koyang driver ni Michelle dee at dalawang bodyguards sa condo nila Rhian Ramos nng ilang araw, tas yung mga sugat na pinakita niya ang cucute . wala manlang kapasa-pasa, meron palang pasa pero nasa tuhod at 😭

“Best actor! Tapos ang cringe ng mga taong nag-side agad sa kanya at nagcomment na nagsasabi raw sya ng totoo kasi nanginginig pa raw…. Whaaattt???🤦‍♀️

“Bakit kasi muna nanguha ng hindi sayo?? mas nauna ka pa umiyak sa mga babae.”

Kinuwestyon din daw ng mga kakilala ni Michelle ang statement nung driver na sinaktan siya ni Michelle noong January 17.

May mga nakakita raw kasi na nasa isang out-of-town event si Michelle that day.

Samantala, nakakuha ng eksklusibong ulat ang Bilyonaryo TV reporter na si Andrea Salve sa abogado ni Samantha Panlilio.

Mensahe ng lawyer ni Samantha “Hi, Andrea. We are still verifying facts and statements and will probably need more time to craft our official response. I will keep you posted. Thank you.”

Bukas ang panig ng driver ni Rhian sa isyung ito at sa mga komento ng mga netizen.
Yun na!

The post Kampo ni Rhian Ramos kinontra ang reklamo ng driver first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph