Sam Deguara nagpabibo pa rin sa nasipang Zamboanga
tonite.abante.com.ph
Thursday, January 29, 2026
Sa likod ng 21 points at 17 rebounds ni Sam Deguara, tinapos ng MLV-Zamboanga Valientes ang kampanya sa 35th Dubai International Basketball Invitational sa pagsilat sa defending champion Sports Club Beirut, 83-72, noong Martes ng gabi sa Al Nasr Gym sa UAE. Pero wala ng epekto ang resulta sa posi...
Sa likod ng 21 points at 17 rebounds ni Sam Deguara, tinapos ng MLV-Zamboanga Valientes ang kampanya sa 35th Dubai International Basketball Invitational sa pagsilat sa defending champion Sports Club Beirut, 83-72, noong Martes ng gabi sa Al Nasr Gym sa UAE.
Pero wala ng epekto ang resulta sa posisyon ng Philippine bet team sa torneo, naglarong bilang “spoiler” na lang at apektado na lang ang karibal – Lebanese squad.
Pagkahandusay unang tatlong laro, sa wakas ay natagpuan ng Mindanao-based team ang ritmo sa likod ng pinagsamang pagsisikap nina 7-foot-5 import Deguara, Terrence Romeo, at Anthony Bennet, na nagbigay-lakas sa magkabilang dulo ng court.
Tumapos si Romeo ng 20 markers, bumakas si National Basketball Association veteran Bennet ng 12 pts.
Dahil sa masaklap na inabot, ipinahayag ni Zamboanga team owner Junnie Navarro na balak ng Valientes na bumalik sa sa Dubai sa susunod na taon na may mas mahusay na paghahanda.
βNalulungkot ako na huli dumating ang aming pagkakondisyon at pagkakaisa. Pero masaya ako na sa wakas ay naramdaman kung paano manalo rito sa Dubai. Sino ang mag-aakala! Arriba Zamboanga! β aniya pa.
Si Kap Albert James English ang nanguna sa Beirut sa 19 puntos, habang si LA Traviyon Jackson naman ay may14.
Nagsilbi na rin ang torneo bilang paghahanda ng Valientes sa 8th Maharlika Pilipinas Basketball League 2026 na sisiklab muna sa Preseason Tournament patungo sa regular season sa papasok na buwan. (FastBreak)
The post Sam Deguara nagpabibo pa rin sa nasipang Zamboanga first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph


