Abogado ng mag-asawang suspek sa tsinuging policewoman umatras
tonite.abante.com.ph
Wednesday, February 11, 2026
Umatras sa paghawak ng kaso ang abogado ng mga pangunahing suspek sa pagpatay kamakailan sa policewoman at sa 8-anyos niyang anak. Sina P/SMS Diane Marie Mollenido at anak niyang si John Ysmael, 8, ay pinatay sa Barangay San Agustin, Quezon City noong Enero 16, matapos magkabentahan ng sasakyan. ...
Umatras sa paghawak ng kaso ang abogado ng mga pangunahing suspek sa pagpatay kamakailan sa policewoman at sa 8-anyos niyang anak.
Sina P/SMS Diane Marie Mollenido at anak niyang si John Ysmael, 8, ay pinatay sa Barangay San Agustin, Quezon City noong Enero 16, matapos magkabentahan ng sasakyan.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Spokesperson P/Maj. Jennifer Gannaban, hindi muna nagsumite ng counter-affidavit ang mag-asawang suspek na sina Christian Panganiban (dating pulis) at Pia, at pansamantalang kumuha ng representasyon mula sa Public Attorney’s Office (PAO).
“Kaninang umaga, Feb. 11, naka-schedule ‘yung preliminary investigation nung suspects dito sa Mollenido case. However, hindi ito natuloy dahil nag-withdraw ‘yung counsel nila.
Kaya nag-avail ng PAO lawyer itong mag-asawang suspek na ito at na-resched yung pag-conduct ng PI (preliminary investigation) nila sa Feb. 16,” ayon kay Gannaban.
Ang isa pang suspek na si Gil Dy ay nag-apply upang maging state witness at inaasahang magbibigay ng kanyang salaysay sa Biyernes, Pebrero 13.
Wala pang pahayag ang QCPD sa eksaktong dahilan kung bakit nag-withdraw ang dating legal counsel nina Pia at Christian.
Samantala, isinailalim na rin sa pagsusuri ng crime lab ang mga baril na ginamit umano ng mag-asawa na itinago sa bahay ng kanilang ina.
Ang pagkakadiskubre ng mga baril ay batay naman sa pag-amin ng kapatid ni Christian na si Maribel. (Dolly Cabreza)
The post Abogado ng mag-asawang suspek sa tsinuging policewoman umatras first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph
54 minutes ago
55 minutes ago
Périménopause : posez vos questions, une gynécologue vous répondra en direct dans notre émission « Questions santé »
55 minutes ago
Rachel Weisz Is Obsessed With Leo Woodall in Netflix’s Vladimir Trailer
57 minutes ago