1 pang bomba nabungkal sa UP campus

tonite.abante.com.ph

Tuesday, February 10, 2026

1 min read
Share:

Isa na namang vintage bomb ang nahukay ng isang construction worker sa loob ng University of the Phi­lippines (UP) campus sa Diliman, Quezon City nitong Martes ng umaga. Sa ulat ng Anonas Police Station (PS-9) ng Quezon City Police District (QCPD), alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bomba sa ...

Isa na namang vintage bomb ang nahukay ng isang construction worker sa loob ng University of the Phi­lippines (UP) campus sa Diliman, Quezon City nitong Martes ng umaga.

Sa ulat ng Anonas Police Station (PS-9) ng Quezon City Police District (QCPD), alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bomba sa loob ng UP Campus sa harapan ng Institute of Chemistry Teaching Building, Barangay UP Campus, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon, naghuhukay umano ang construction worker na si Andrew Gepoleo, nang matamaan ng pala ang isang matigas na bagay na nakabaon sa lupa.

Nang suriiin ni Gepoleo ang natamaan ay tumambad sa kanya ang kinakalawang nang bomba kaya ini-report niya agad sa mga awtoridad.

Mabilis namang rumesponde ang mga operatiba ng Explosive Ordnance Disposal ng QCPD na nagsagawa ng safety procedure at saka maingat na dinala ang vintage bomb para sa kustodiya para sa tamang disposisyon.

Magugunitang noong Lunes, February 3, unang nahukay ng isa ring construction worker ang vintage bomb sa loob din ng UP sa harapan ng Institute of Chemistry Teaching Building Barangay UP Campus, QC. (Dolly Cabreza)

The post 1 pang bomba nabungkal sa UP campus first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph