2 babaeng angkas todas sa colorum van
tonite.abante.com.ph
Monday, February 9, 2026
Dalawang back rider ang nasawi habang sugatan naman ang driver ng motorsiklo matapos masalpok ng isang van ang kanilang sinasakyan sa kahabaan ng Tayabas Bypass Road, Barangay Lakawan, Tayabas City, nitong Lunes ng umaga, Pebrero 9. Ayon sa pulisya, bandang alas-9:32 ng umaga nang mabangga ng isa...
Dalawang back rider ang nasawi habang sugatan naman ang driver ng motorsiklo matapos masalpok ng isang van ang kanilang sinasakyan sa kahabaan ng Tayabas Bypass Road, Barangay Lakawan, Tayabas City, nitong Lunes ng umaga, Pebrero 9.
Ayon sa pulisya, bandang alas-9:32 ng umaga nang mabangga ng isang puting van na patungong Tayabas City ang motorsiklo habang tumatawid sa interseksyon mula Tayabas-Pagbilao Road patungong Mauban.
Dahil sa lakas ng banggaan, tumilapon ang tatlong sakay ng motorsiklo sa island.
Ang dalawang babaeng angkas na nasa 21 at 20 taong gulang ay hindi na umabot ng buhay sa ospital, habang ang 22-taong gulang na driver ng motorsiklo ay nagtamo ng mga sugat at agad na isinugod ng mga tauhan ng Tayabas City CDRRMO sa Quezon Medical Center sa Lucena City.
Matapos ang insidente, hindi huminto ang van at tumakas ang driver ngunit agad itong hinabol ng isang LTO personnel na nasa lugar at naaresto malapit sa Tayabas City proper.
Napag-alamang walang driver’s license ang 25-taong gulang na suspek at colorum umano ang minamaneho nitong sasakyan na may 14 na pasahero. Wala namang naiulat na pinsala sa mga sakay ng van.
Inihahanda na ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide, Serious Physical Injury, at Damage to Property laban sa suspek. (Ronilo Dagos)
The post 2 babaeng angkas todas sa colorum van first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
