Paslit tumalon sa pool, nalunod
tonite.abante.com.ph
Monday, February 9, 2026
Todas ang 6-anyos na batang babae matapos malunod nang tumalon sa swimming pool sa isang resort sa Rodriguez, Rizal nitong Linggo ng tanghali. Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS), alas-12:30 ng tanghali nang matagpuang patay ang biktimang si alyas “Cyan,” Grade 1 stude...
Todas ang 6-anyos na batang babae matapos malunod nang tumalon sa swimming pool sa isang resort sa Rodriguez, Rizal nitong Linggo ng tanghali.
Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS), alas-12:30 ng tanghali nang matagpuang patay ang biktimang si alyas “Cyan,” Grade 1 student, nakatira sa Brgy. Burgos, Rodriguez, sa pool ng resort sa Brgy. San Rafael, Rodriguez.
Sinabi sa pulisya ng pamilya ng biktima abala sila sa paghahanda ng pagkain nang mapansin nilang nawawala ang bata.
Agad nilang hinanap ang biktima sa paligid ng resort pero hindi nila ito makita, maging sa kanilang inupahang cottage.
Dahil dito, agad silang humingi ng tulong sa mga nangangasiwa sa resort hanggang matagpuan ang biktimang nakalutang sa swimming pool.
Isinugod pa ang biktima sa ospital subalit idineklara na itong dead on arrival. (Dolly Cabreza)
The post Paslit tumalon sa pool, nalunod first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph

21 minutes ago
SPOTLIGHT: Tiny lessons with big impact as 10-minute WhatsApp sessions transform training for healthcare workers

22 minutes ago
Ghislaine Maxwell pleads the Fifth as lawmakers grill her over Epstein probe

23 minutes ago
Angela Rayner's 'leadership bid website' revealed as Cabinet steps back from killing off Starmer - despite Scots Labour leader saying he MUST go
23 minutes ago