Back to News
šŸŒ
NewsJapan•1 hours ago

Mga Hapon na pa-`Pinas binalaan kontra nakawan, kidnapping

tonite.abante.com.ph

Monday, February 9, 2026

2 min read
Share:

Muling pinaalalahanan ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Japan ang mga Hapones tungkol sa pagbibiyahe sa Pilipinas. Sa isang travel advisory nito, binalaan ang mga Japanese nationals tungkol sa patuloy na panganib sa street crimes sa Metro Manila at ang matinding babalang huwag na silang bu...

Muling pinaalalahanan ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Japan ang mga Hapones tungkol sa pagbibiyahe sa Pilipinas.

Sa isang travel advisory nito, binalaan ang mga Japanese nationals tungkol sa patuloy na panganib sa street crimes sa Metro Manila at ang matinding babalang huwag na silang bumiyahe sa delikadong lugar tulad ng Mindanao dahil sa banta ng terorismo at kidnaping.

Pinaigting ng Japanese embassy ang panawagan sa kanilang mga kababayan na mag-ingat matapos ang dalawang magkahiwalay na insidente ng robbery kung saan nasaktan pa ang Japanese nationals. Ayon sa Embassy of Japan in the Philippines, ninakawan ang isang Japanese national sa Paranaque at mayroon ding ninakawan sa Mandaluyong nung January 24.

Pinayuhan ng embahada ang mga Japanese nationals na siguruhin ang kanilang kaligtasan at iwasan nang manlaban sa mga insidente ng pagnanakaw para maiwasang masugatan at mapinsala.

Nagbabala din ang embahada laban sa ā€œsleeping drug robberiesā€ kung saan pinaiinom ng droga o gamot pampatulog ang biktima bago nakawan.

Ayon sa embahada, buwan-buwan silang nakatatanggap ng ganitong ulat at nagiging linggo-linggo pa minsan.

Nananatili pa rin ang travel advisory ng Japan laban sa pagbiyahe sa ilang bahagi ng Mindanao na nasa level 3 kung saan diretsahang sinasabihan ang Japanese nationals na huwag nang magpunta dahil sa matinding banta sa seguridad na iniuugnay sa kidnappings for ransom at terror attacks. (Eileen Mencias)

The post Mga Hapon na pa-`Pinas binalaan kontra nakawan, kidnapping first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph