Jon Lucas may tampo kay Ronnie Alonte
tonite.abante.com.ph
Monday, February 9, 2026
Mukhang may malaking tampo si Jon Lucas sa kanyang kaibigan na si Ronnie Alonte, huh! Tinatawagan kasi ng huli ang una, pero hindi sinasagot ni Jon. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, du’n sinabi ni Jon ang dahilan kung bakit sinadya niyang hindi sagutin ang tawag ng mister ni Loisa Anda...
Mukhang may malaking tampo si Jon Lucas sa kanyang kaibigan na si Ronnie Alonte, huh! Tinatawagan kasi ng huli ang una, pero hindi sinasagot ni Jon.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, du’n sinabi ni Jon ang dahilan kung bakit sinadya niyang hindi sagutin ang tawag ng mister ni Loisa Andallio.
Post ni Jon sa kanyang FB account: “Hindi ko sinasagot kasi hanap ako ng hanap ng picture ko nung kasal mo tas naalala ko hindi mo nga pala ako invited.”
Dahil FB friends sina Jon at Ronnie,siguradong nabasa ni Ronnie ang post ng pagtatampo sa kanya ni Jon.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ronnie?
Ikinasal kay Loisa Andalio si Ronnie noongNovember 27 last year. At sa mga naglabasang picture ay wala nga roon si Jon.
Natural lang na magtampo siya kay Ronnie dahil magkaibigan sila at magkasama pa noon sa all-male-group na Hashtags.
Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga nakabasa ng FB post ni Jon.
“I-serye niyo ito utang na loob! Hahahaha.”
“hahaha okay lang yan. Mag-ninong ka na lang sa anak nila. Sabihin mo kay Ronnie, bawal tumanggi at ikaw ang nagprisinta.”
“Aray! may pain pala si bro Aljhon Lucas.”
Samantala, nag-gender reveal sina Ronnie at Loisa para sa kanilang baby. Girl ang magiging una nilang anak.
Congrats!
The post Jon Lucas may tampo kay Ronnie Alonte first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph
20 minutes ago
‘Putrid’ fly tip containing 30,000 tonnes of rubbish found off M57 – who’s behind it?
21 minutes ago
Felix Barrientos, Milagros Emperado may ‘Lifetime Achievement Award’

22 minutes ago
Super Bowl: Trump fürchtete Green Day – doch die Band blieb überraschend harmlos

22 minutes ago