Kai Sotto balik dating bangis, didiribol muli sa Gilas ‘Pinas

tonite.abante.com.ph

Wednesday, February 4, 2026

2 min read
Share:

Magandang balita na nakabalik na sa competitive basketball si Kai Sotto. January 2025 nang abuting ng ACL injury (knee) si Sotto, isang taong nagarahe habang sumasailalim sa rehabilitation. Inaasahang makakapag-report na si Kai sa Gilas Pilipinas kapag inumpisahan ni coach Tim Cone ang paghahanda...

Magandang balita na nakabalik na sa competitive basketball si Kai Sotto.

January 2025 nang abuting ng ACL injury (knee) si Sotto, isang taong nagarahe habang sumasailalim sa rehabilitation.

Inaasahang makakapag-report na si Kai sa Gilas Pilipinas kapag inumpisahan ni coach Tim Cone ang paghahanda para sa second window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nabanggit na noon ni Cone na 10 days bago ang windows ay magsisimula ang training ng Nationals.

Sa Feb. 26 ang unang laro ng Filipinos sa second window laban sa New Zealand Tall Blacks, isusunod ang Australia Boomers sa March 1.

Parehong home game ito ng Gilas sa SM MOA Arena.

Bago ang call up ay nabigyan na ng higit dalawang linggong pahinga sina June Mar Fajardo at CJ Perez, dalawa sa instrumento sa PBA 50 Philippine Cup championship defense ng San Miguel laban sa TNT. Natapos ang Finals sa Game 6 noong Linggo (Feb. 1).

Nakatatlong laro na si Kai sa kanyang mother team na Koshigaya Alphas sa Japan B.League.

Scoreless ang 7-foot-3 center sa kanyang unang laro, ang 92-63 loss sa Yokohama B-Corsairs.

Sa ikalawang laro noong Sabado ay nagsumite si Sotto ng 14 points, 10 rebounds, 6 assists pero natalo din ang Alphas Levanga Hokkaido ng Gilas teammate niyang si Dwight Ramos.

Kinabukasan, Linggo, nilista ni Sotto ang best game niya sapul nang bumalik sa tono ng 20 points, 14 rebounds, 2 assists, 1 block sa 81-80 bounce-back win laban sa Hokkaido.

Malaking tulong si Sotto kung 100 percent na kapag ini-host ng Gilas ang Tall Blacks at Boomers.

Sa first window ay winalis ng Filipinos ang dalawang matches kontra Guam noong November. (Vladi Eduarte)

The post Kai Sotto balik dating bangis, didiribol muli sa Gilas ‘Pinas first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph