NewsDFA2 hours ago

DFA chief may hirit kay Erwin Tulfo, iba pang senador sa isyu ng China

tonite.abante.com.ph

Wednesday, February 4, 2026

1 min read
Share:

Kakausapin ni Senador Erwin Tulfo ang mga kasamahang mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso tungkol sa isyu ng bangayan ng ilang opisyal ng Pilipinas at China kaugnay ng West Philippine Sea (WPS). Kasunod ito ng kanyang briefing kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Maria Ther...

Kakausapin ni Senador Erwin Tulfo ang mga kasamahang mambabatas sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso tungkol sa isyu ng bangayan ng ilang opisyal ng Pilipinas at China kaugnay ng West Philippine Sea (WPS).

Kasunod ito ng kanyang briefing kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Maria Theresa Lazaro nitong Miyerkoles ng umaga, Pebrero 4.

Nagtungo si Tulfo sa tanggapan ni Lazaro matapos siyang mailuklok bilang chairman ng Senate Committee on Foreign Affairs.

Pinaliwanag umano sa kanya na dahil sa bangayan, natengga ang negosasyon ng Pilipinas at China kaugnay ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea at WPS.

Kailangang makuha umano ang pagsang-ayon ng China sa binubuong COC dahil isasalang na ito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit ngayong taon kung saan chairman ang Pilipinas.

Bukod sa kakausapin ang mga kapwa senador, bibisita rin umano si Tulfo sa National Security Council.

“I understand naman the position of the Foreign Affairs…We will try to explain it to them also,” ayon kay Tulfo. (Dexter Ganibe)

The post DFA chief may hirit kay Erwin Tulfo, iba pang senador sa isyu ng China first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph