Surigao del Sur mayor inambus
tonite.abante.com.ph
Tuesday, February 3, 2026
Pinaulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang suspek ang mayor ng Barobo sa Surigao del Sur habang sakay ng kanyang sasakyan kahapon. Ayon sa ulat, nangyari ang pananambang kay Mayor Ronito Martizano sa Barangay Dughan ng nasabing munisipalidad nitong Martes ng hapon, Pebrero 3. Sakay umano sa van ...
Pinaulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang suspek ang mayor ng Barobo sa Surigao del Sur habang sakay ng kanyang sasakyan kahapon.
Ayon sa ulat, nangyari ang pananambang kay Mayor Ronito Martizano sa Barangay Dughan ng nasabing munisipalidad nitong Martes ng hapon, Pebrero 3.
Sakay umano sa van ang alkalde nang pagraratratin ito dahilan upang masugatan ito at agad na isinugod sa ospital.
Sa mga larawang ipinost sa social media ay makikitang tinadtad ng bala ang sasakyan ng mayor.
Patuloy pa sa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing ambush.
The post Surigao del Sur mayor inambus first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph


