Back to News
šŸŒ
SportsFinals MVP•2 hours ago

RSF Trophy espesyal kay June Mar Fajardo

tonite.abante.com.ph

Monday, February 2, 2026

3 min read
Share:

Si June Mar Fajardo ng San Miguel ang buena-manong tumanggap ng Ramon S. Fernandez Trophy, ang PBA Press Crops Finals MVP hardware. Umpisa ngayong Season 50, ipinangalan na kay El Presidente ang award bilang pagkilala sa kanyang 19 championship sa PBA sa loob ng 20 taon na natapos noong1994. Pumu...

Si June Mar Fajardo ng San Miguel ang buena-manong tumanggap ng Ramon S. Fernandez Trophy, ang PBA Press Crops Finals MVP hardware.

Umpisa ngayong Season 50, ipinangalan na kay El Presidente ang award bilang pagkilala sa kanyang 19 championship sa PBA sa loob ng 20 taon na natapos noong1994.

Pumutok si Fajardo ng personal conference-high 29 points, 23 rebounds, 2 assists, 2 steals, 1 block para ihatid ang Beermen sa title-clinching 92-77 win laban sa TNT sa Game 6 ng Philippine Cup noong Linggo (Feb. 1).

Dumating ang mga puntos at dominasyon ni June Mar sa mga dikdikang sandali.

Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, record na ang fifth Finals MVP ni Fajardo, pero importante ang panglima dahil bukod sa unang Final MVP Trophy ay ang kapwa-Cebuano niyang si Ramon Fernandez pa ang nag-abot.

ā€œIsang karangalan na makakuha ng championship,ā€ anang nine-time season MVP nang sumaglit sa press room sa SM Mall of Asia Arena. ā€œTapos si Don Ramon pa ang nag-abot. Sa kanya pa ā€˜to nakapangalan. Isang karangalan.ā€

Kung ihahanay niya sa mga bulto nang award na natanggap, saan ang Elegant Shot Trophy?

ā€œFor sure nasa taas ā€˜to ng trophy case ko,ā€ paniniguro ng 6-foot-10 prized center.

Isiningit ng El Presidente sa kanyang busy schedule ang pagpunta sa MOA Arena para sa trophy reveal bago ang Game 6.

Unang pagkakataon din na nakita at nahawakan ng four-time MVP ang tropeo na pinangalan sa kanya. Bisita si Fernandez, asawang si Karla Kintanar-Fernandez at ilang miyembro ng Cebu media sa press room para sa reveal.

Sa courtside nanonood si Fernandez, nagmukha pang maaantala ang flight nila kinabukasan pauwi ng Cebu dahil mula sa high na 21-point deficit ay nakabalik ang Tropang 5G, sandaling inagaw ang lead 68-66 sa 3-pointer ni Jordan Heading kulang 2 minutes sa third quarter.

Pero tumagal lang ng halos 1 1/2 minutes ang paghawak sa lead, binawi agad ng SMB 70-68 sa layup ni Fajardo papasok sa fourth.

Kung naalagaan ang lead hanggang dulo, nakahirit sana ang Tropa ng winner-take-all Game 7 sa Miyerkoles (Feb. 4).

Pero hindi na naghintay ng ilang araw si Don Ramon at mga kasama.

Nagbagsakan ang confetti sa court, si Fernandez ang nag-announce ng Finals MVP winner at first recipient ng Elegant Shot Trophy.

ā€œMaraming salamat sa PBA Press Corps din … it’s a big honor and I’m truly proud and humbled by this trophy na ginawa ninyo para sa akin para sa MVP of the Finals,ā€ pahayag ng El Presidente. ā€œAng MVP ng Finals, ang akong silingan (kapitbahay) sa Cebu, si June Mar Fajardo!ā€

Inalis ni Fajardo ang net na nasabit sa kanyang leeg, nagkatabi muli sila sa center court ni Fernandez para sa trophy ceremony. (Vladi Eduarte)

The post RSF Trophy espesyal kay June Mar Fajardo first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph