Bakit kaya? Matteo Guidicelli binati si Susan Enriquez sa ‘Tulong Abante’

tonite.abante.com.ph

Saturday, January 31, 2026

1 min read
Share:

May espesyal na pagbati si “Agenda” anchor Matteo Guidicelli nang bumisita sa “Tulong Abante” nitong Sabado. Bago magsimula ang programa, binati ni Matteo ang journalist na si Susan Enriquez, na nagsilbi raw niyang mentor sa industriya. “Bago tayo magsimula, batiin muna natin si Ma’am Susan Enriq...

May espesyal na pagbati si “Agenda” anchor Matteo Guidicelli nang bumisita sa “Tulong Abante” nitong Sabado.

Bago magsimula ang programa, binati ni Matteo ang journalist na si Susan Enriquez, na nagsilbi raw niyang mentor sa industriya.

“Bago tayo magsimula, batiin muna natin si Ma’am Susan Enriquez, mentor ko. Ma’am Susan, magandang umaga po. Napakatindi niyan, kay Susan tayo!” sey ni Matteo.

Hindi rin niya nakalimutang batiin ang kanyang misis na si Sarah Geronimo: “Ang aking asawa, love, you’re watching right now, good morning!”

Nagkwento rin si Matteo tungkol sa matagal na nilang samahan ni “Tulong Abante” Host Kuya Rommel Placente, na niregaluhan pa nga raw niya noon ng bag bilang pasasalamat.

“Matagal na kami magkasama nito ni Kuya Rommel. 14 years old pa ko, siya ‘yung isa sa mga unang press na nagtatanong sa akin ng mga tanong na sabi ko, ‘ano ba ‘yan’,” kwento ni Matteo. (Louise Cabral)

The post Bakit kaya? Matteo Guidicelli binati si Susan Enriquez sa ‘Tulong Abante’ first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph