Malacañang umay kay Leandro Leviste: `Walang kabuluhan pag-usapan’
tonite.abante.com.ph
Saturday, January 31, 2026
Binoldyak ng Malacañang ang mga walang kabuluhang pahayag umano ni Batangas Rep. Leandro Leviste kaugnay ng pag-alis nito sa bansa na iniugnay sa flood control scandal. “Abala po ang Pangulo at ang administrasyong ito sa mas mahahalagang isyu ng bayan,” ayon sa pahayag ni Presidential Communicati...
Binoldyak ng Malacañang ang mga walang kabuluhang pahayag umano ni Batangas Rep. Leandro Leviste kaugnay ng pag-alis nito sa bansa na iniugnay sa flood control scandal.
“Abala po ang Pangulo at ang administrasyong ito sa mas mahahalagang isyu ng bayan,” ayon sa pahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nitong Sabado, Enero 31.
Aniya, hindi magsasayang ng panahon ang pamahalaan sa mga walang kuwentang alegasyon ni Leviste kaugnay ng paghingi nito ng clearance sa Kamara de Representantes para maglakbay sa iba’t ibang bansa.
Nataon ang planong pag-alis ni Leviste sa kontrobersiyang kinakaharap nito sa congressional franchise na ibinigay sa itinatag niyang solar company.
“Hindi namin binibigyang halaga ang pahayag na walang kabuluhan. Sayang lang ang oras,” sabi ni Castro.
Una rito, ibinunyag sa eksklusibong ulat ng online news Politiko na humingi umano ng clearance si Leviste kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III upang payagan siya na maglakbay sa ibang bansa.
Sa travel request umano ni Leviste, inilahad ang paglalakbay nito sa 19 na bansa mula Pebrero 8 hanggang Hulyo 26, 2026. Tiniyak naman ni Leviste na walang gagastusin ang Kamara de Representantes sa kanyang pag-abroad.
Kaugnay nito, ibinunyag ni Leviste na ang pagbiyahe umano niya sa iba’t ibang bansa ay itinulak ng “administration representatives” na gustong tumigil na siya sa paglalabas ng ebidensiya kaugnay ng flood control scam.
“I asked for the travel authority upon the request of representatives of the administration who asked that I go abroad and stop releasing evidence linking government officials to anomalous DPWH projects—but this does not mean that I will be abroad for that whole time. I will be present at any opportunity that Congress gives me to speak on any issue, as long as I am asked or allowed,” sabi ni Leviste. (Billy Begas/PNA)
The post Malacañang umay kay Leandro Leviste: `Walang kabuluhan pag-usapan’ first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph

2 minutes ago
Casas são danificadas, carro é atingido e ruas de Montes Claros têm trânsito afetado por queda de árvores
2 minutes ago
A HORA

3 minutes ago
Caminhoneiro é preso transportando mais de 20 quilos de haxixe na Raposo Tavares em Regente Feijó

4 minutes ago