Bienvenido Abante olats ka sa eleksiyon – Pulong Duterte
tonite.abante.com.ph
Thursday, February 19, 2026
Pinatutsadahan ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte si Manila Rep. Bienvenido Abante kaugnay ng pahayag nito na hindi niya susuportahan si Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential elections. “Kung magsalita `yang napakalinis na Pastor n’yo dyan sa 6th District ng Maynila na hin...
Pinatutsadahan ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte si Manila Rep. Bienvenido Abante kaugnay ng pahayag nito na hindi niya susuportahan si Vice President Sara Duterte sa 2028 presidential elections.
“Kung magsalita `yang napakalinis na Pastor n’yo dyan sa 6th District ng Maynila na hindi raw susuporta kay VP Sara sa 2028…nasisiraan na yata ito ng bait na para bang may mabigat siyang political weight sa usapin ng 2028, baka kailangan muna nating mag-reality check,” sabi ni Duterte sa isang Facebook post.
Sinabi pa ni Duterte na hindi naman nanalo sa pamamagitan ng boto si Abante na umupo lang matapos madiskuwalipika ang kalaban nitong si Joel Chua Uy, na hindi umano isang natural born Filipino.
“Pastor, malinaw naman ang rekord–talo ka sa sarili mong distrito noong 2025 elections. Hindi ka ibinalik ng mga botante ng Maynila,” sabi ng Davao solon.
“So when you say you will not support Sara Duterte for president, the honest question is, kanino ba talaga mahalaga ang suporta mo? Sa mga botante ng Maynila na matagal ka nang hindi pinili o sa iilang tao sa loob ng Kongreso?” tanong pa ni Duterte.
Minaliit din ni Duterte si Abante sa pagsasalita nito kaugnay ng 2028 elections.
Wala pang pahayag hinggil dito ang kampo ni Abante. (Billy Begas)
The post Bienvenido Abante olats ka sa eleksiyon – Pulong Duterte first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph

24 minutes ago
یعقوبی: ۲۲ تن قیر قاچاق در شازند کشف شد

25 minutes ago
شرکت های نفت و گاز سهم مسئولیت اجتماعی خود در چوار پرداخت کنند

25 minutes ago
Глава Курска вышел на субботник и помог дворнику расчистить снег у поликлиники

26 minutes ago