Kongreso ginisa sa anti-political dynasty bill na 40 taong tinengga
tonite.abante.com.ph
Thursday, February 19, 2026
Sa pagpapatuloy ng public consultation kaugnay sa anti-political dynasty bill, sinisi ng isang grupo ang Kongreso dahil hindi ipinasa ang naturang batas bagama’t itinakda sa ilalim ng 1987 Constitution. “Grabe ka-insulto. Almost 40 years after the 1987 Constitution na binigyan tayo ng isang probi...
Sa pagpapatuloy ng public consultation kaugnay sa anti-political dynasty bill, sinisi ng isang grupo ang Kongreso dahil hindi ipinasa ang naturang batas bagama’t itinakda sa ilalim ng 1987 Constitution.
“Grabe ka-insulto. Almost 40 years after the 1987 Constitution na binigyan tayo ng isang probisyon na kailangan walang political dynasty para equal ang mamamayang Pilipino na (tumakbo) sa iba’t ibang posisyon,” pahayag ni Jaime Paglinawan ng Bayan Central Visayas sa ikalawang konsultasyon ng House Committee on Suffrage and Electoral Reform na ginanap sa University of the Philippines sa Cebu nitong Huwebes, Pebrero 19.
“Bakit hindi nila ipinasa ang mga panukalang batas para ipagbawal ang political dynasty?” tanong pa ni Paglinawan.
Sa ngayon aniya ay ipinapamana ng political families ang mga puwesto sa gobyerno dahil hindi nagpasa ng batas mula noong 8th hanggang 19th Congress na naging dahilan ng paglala umano ng korapsiyon.
“Tayo ang Top 3 sa buong Southeast Asia na pinaka-corrupt na bansa. Ito ay masakit na katotohanan,” ayon pa kay Paglinawan dahil nakasentro lang aniya sa ilang pamilya ang pamumuno sa bansa.
Hinamon ng grupo ang mga mambabatas, sa pangunguna ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, chairman ng komite, na ipasa na ang mga panukalang batas na tuluyang bubuwag sa political dynasty.
“Break the monopoly of elite rules and advance genuine democracy,” hamon pa ni Paglinawan sa mga miyembro ng Kongreso.(Bernard Taguinod)
The post Kongreso ginisa sa anti-political dynasty bill na 40 taong tinengga first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph

3 minutes ago
Andrew's arrest is 'the biggest scandal in royal history' and 'as critical as the institution could have to face', commentators declare

3 minutes ago
UK 'blocks US from using RAF bases to launch Iran strike - prompting anger from Trump'
4 minutes ago
Roomba maker iRobot readies mini model for Japan to fend off Chinese rivals
4 minutes ago