Daniel Ochefu pambarako ng Blackwater Bossing
tonite.abante.com.ph
Wednesday, February 18, 2026
Mukhang matutuloy na ang pambabarako ni American-born Nigerian Daniel Ochefu sa PBA. Ang 32-anyos ang tinapik ng Blackwater bilang import sa Season 50 Commissioner’s Cup. Walang height ceiling ang midseason conference na sisiklab sa March 11, swak dito ang 6-foot-11 listed height ni Ochefu. Hindi...
Mukhang matutuloy na ang pambabarako ni American-born Nigerian Daniel Ochefu sa PBA.
Ang 32-anyos ang tinapik ng Blackwater bilang import sa Season 50 Commissioner’s Cup.
Walang height ceiling ang midseason conference na sisiklab sa March 11, swak dito ang 6-foot-11 listed height ni Ochefu.
Hindi rin pa-bu-bully ang kanyang 244-lb frame.
Dati nang kinuha ng Rain or Shine si Ochefu para sa parehong torneo noong 2022-23 pero hindi pa nagsisimula ang conference ay pinauwi dahil hindi siya sumakto sa sistema ni coach Yeng Guiao.
Kababalik lang noon ni Guiao sa Elasto Painters, kinuha si Ochefu ng noo’y head coach pang si Chris Gavina.
Champion sa Villanova Wildcats sa US NCAA noong 2016, undrafted sa NBA ng taong ‘yun si Ochefu pero kinuha ng Washington noong taon ding ‘yun at naka-isang season sa Wizards.
Kinuha rin ng TNT si Ochefu bilang replacement import kay Prince Ibeh sa EASL Champions Week noong 2023.
Tapos ng stint sa Wizards, bumaba siya sa G League, naglaro overseas sa Japan B.League, Korean Basketball League, Mexico, Lebanon, Taiwan P.League, Mongolia, at sa Syria.
Isasahog ni coach Jeff Cariaso si Ochefu kina Sedrick Barefield, Christian David at Dalph Panopio. (Vladi Eduarte)
The post Daniel Ochefu pambarako ng Blackwater Bossing first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
