VisMinBEAN Express2 hours ago

P66K sa coffee shop hinarbat

tonite.abante.com.ph

Tuesday, February 17, 2026

1 min read
Share:

Isang coffee shop sa kahabaan ng Bypass Road ang ninakawan ng mahigit P66,000 na pera at ari-arian. Ayon sa caretaker ng BEAN Express Grab at Go Coffee, dakong alas-10:30 ng umaga nang i-report niya ang insidente. Kinumpirma din ng pulisya sa pamamagitan ng CCTV footage na nangyari ang pagnanak...

Isang coffee shop sa kahabaan ng Bypass Road ang ninakawan ng mahigit P66,000 na pera at ari-arian.

Ayon sa caretaker ng BEAN Express Grab at Go Coffee, dakong alas-10:30 ng umaga nang i-report niya ang insidente.

Kinumpirma din ng pulisya sa pamamagitan ng CCTV footage na nangyari ang pagnanakaw alas-3:30 ng madaling-araw na kinasangkutan ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

Ayon sa ulat, puwersahang binuksan ng suspek ang salamin na bintana, pumasok sa tindahan, at kinuha ang P51,270 na cash at isang Huawei tablet na nagkakahalaga ng P15,000, habang ang kasama nito ay nagsilbing lookout.

Tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo matapos ang pagnanakaw.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up investigation ang mga awtoridad mula sa Davao City Police Office para sa pagkakakilanlan at pag-aresto ng mga salarin. (Edith Isidro)

The post P66K sa coffee shop hinarbat first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph