Back to News
🌍
SportsAnthony Edwardsβ€’2 hours ago

Team USA Stars kampeon, MVP si Anthony Edwards

tonite.abante.com.ph

Monday, February 16, 2026

2 min read
Share:

Dalawang salang-salang teams ang tinalo ni Anthony Edwards sa bagong format ng NBA All-Star Game nitong Linggo. Unang ipinagpag ng Minnesota Timberwolves guard ang Team World, bago ibinaon ang mga kapwa niya Americans para itanghal na MVP ng midseason spectacle sa Intuit Dome sa Los Angeles. Gini...

Dalawang salang-salang teams ang tinalo ni Anthony Edwards sa bagong format ng NBA All-Star Game nitong Linggo.

Unang ipinagpag ng Minnesota Timberwolves guard ang Team World, bago ibinaon ang mga kapwa niya Americans para itanghal na MVP ng midseason spectacle sa Intuit Dome sa Los Angeles.

Giniyahan ni Ant ang kanyang USA Stars team laban sa USA Stripes squad nina LeBron James at Kawhi Leonard 47-21 sa final ng mini-tournament, ang main event ng All-Star weekend.

Sa pang-apat na format sa apat ding taon, dalawang teams ng Americans ang isinagupa laban sa koponan ng players na galing sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Solid ang resulta ng tatlong games sa round-robin tournament na lahat nadesisyunan sa buzzer bago ang blowout finale.

Bawat laro ay 12 minutes lang.

Pinuwersa ng clutch 3 ni Edwards ang overtime bago ibinaon ni Scottie Barnes ang game-ending OT 3 sa opening game mini-game laban sa Team World, 37-35.

Sa tres din ni De’Aaron Fox sa buzzer nanalo ang Stripes laban sa Stars, 42-40.

Sa final round-robin game, pinakitaan ni Leonard ang kanyang home crowd nang silaban ng 31 ang World tampok ang tie-breaking 3 3 seconds na lang para akayin ang Stripes sa panalo, 48-45.

Pero inari ni Edwards ang final game.

Tinanong si Ant kung ano ang nagustuhan niya sa laro.

β€œProbably beating the World team,” sagot niya. β€œBecause they say they’re the best players in the world. So beating them is the best feeling in the world.”

Nanguna sa World si Victor Wembanyama, naupo sina Luka Doncic at Nikola Jokic sa second game. (Vladi Eduarte)

The post Team USA Stars kampeon, MVP si Anthony Edwards first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph