Kalahok sa BOSS Ironman Challenge pinalulutang ng LTO
tonite.abante.com.ph
Tuesday, February 10, 2026
Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng dalawang hiwalay na show cause order laban sa mga natukoy na rider na lumahok sa BOSS Ironman Challenge sa Mindanao noong Enero 31 at Pebrero 1. Ayon sa LTO, sa ilalim ng unang order, napag-alaman na may ilang kalahok na nag-over speed ng higit sa ...
Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng dalawang hiwalay na show cause order laban sa mga natukoy na rider na lumahok sa BOSS Ironman Challenge sa Mindanao noong Enero 31 at Pebrero 1.
Ayon sa LTO, sa ilalim ng unang order, napag-alaman na may ilang kalahok na nag-over speed ng higit sa 80 kilometro kada oras sa national roads, na labag sa Land Transportation and Traffic Code. Nakumpirma rin sa mga video footage ang hindi awtorisadong paggamit ng blinkers, sirena at auxiliary lights, na nagdulot ng sagabal sa daloy ng trapiko sa intersections at naglagay sa panganib ng mga pedestrian at ibang motorista.
Sa ikalawang order naman, tinukoy ng ahensiya ang ebidensya ng reckless driving, obstruction of traffic, improper person to operate a motor vehicle, disregard for mandated vehicle handling protocols, property damage at injuries sa pedestrians at bystanders.
Pinahaharap ng LTO ang mga rider sa kanilang tanggapan at hinihikayat silang magsumite ng paliwanag kasama ang mga dokumentong susuporta sa kanilang depensa kaugnay ng mga naturang paglabag.
Hinimok naman ni LTO Chief Markus Lacanilao ang mga organizer at kalahok na makiisa sa imbestigasyon ng ahensiya upang masiguro ang kaligtasan sa kalsada.
The post Kalahok sa BOSS Ironman Challenge pinalulutang ng LTO first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph
9 minutes ago
Thailand's PTT group to develop 2 oil fields in Malaysia
11 minutes ago
Tinubu resubmits former Kebbi Governor Dakingari’s name for ambassadorial role
12 minutes ago
Tinubu congratulates Seahawks players of Nigerian descent after Super Bowl triumph
14 minutes ago