Anne Curtis tinanggi ang pagtataray kay John Lloyd Cruz
tonite.abante.com.ph
Tuesday, February 10, 2026
Once and for all, nilinaw ni Anne Curtis ang naging isyu sa kanya noon nang maging panauhin siya sa isang podcast. Ito ay tungkol sa diumanoý naging confrontation niya kay John Lloyd Cruz at sa mga kasamahan nito sa isang bar sa The Fort sa Taguig more than ten years ago. Sa nasabing event, nagwa...
Once and for all, nilinaw ni Anne Curtis ang naging isyu sa kanya noon nang maging panauhin siya sa isang podcast.
Ito ay tungkol sa diumanoý naging confrontation niya kay John Lloyd Cruz at sa mga kasamahan nito sa isang bar sa The Fort sa Taguig more than ten years ago.
Sa nasabing event, nagwala raw umano ang lasing na aktres nang makarinig ito na may kumakalampag sa pinto ng CR habang nasa loob siya.
Dito na raw nagsimula ang naging war-freak ang aktres at diumanoý sinabihan ang nakaengkuwentro na “Ï can buy you, your friends and this club.”
May tsika pang lumapit noon sa commotion si Phoemela Baranda at ito ang winarla ng aktres.
Ani Anne, sa pagkakatanda raw niya ay wala raw naman siyang sinasabing ganoon.
Katunayan, natanong pa nga raw niya ang kanyang mga kaibigan na naroon kung tinuran niya ang nasabing iconic line na ikinakabit sa kanya.
“Ito ngayon ko lang sasabihin ah. Kasi parang ang sinabi sa akin, sabi ko, sinabi ko ba talaga ’yun so I can own up to it. Sabi ng mga friends ko, no you didn’t say it. Sabi ko, ha? All this time? But you know what, it’s so iconic now, I’m gonna own it,” aniya.
Gayunpaman, kahit naisyung nagtaray, gusto na lang daw niya itong pangatawanan kahit di totoo.
“Kaya nga ang daming nagko-comment ‘ay she’s in her i can buy era again. It’s okay, I’m not affected by it kasi I know the truth naman but ‘yun nga sabi nga ni Erwan (Heussaff) sa akin, it’s so iconic now,” paliwanag niya.
Hirit pa niya, tulad nang kanyang sinabi noon, natutunan na rin daw niya ang art ng pangdededma.
“Kasi at that point, anything I would’ve said parang it wouldn’t have mattered. Madaming nangyari sa gabing ‘yun na hindi ko na lang sinabi kasi parang it makes no point bakit ako maglalaglag pa ng tao–– bakit pa? Okay na yun. Okay naman kasi tingnan mo, bliness ako ni Lord ng bongga sa nangyari,” pagtatapos niya. (Archie Liao)
The post Anne Curtis tinanggi ang pagtataray kay John Lloyd Cruz first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
