Bianca de Vera natakot ibuko sina AZ Martinez,Ralph de Leon

tonite.abante.com.ph

Tuesday, February 10, 2026

2 min read
Share:

Inurirat si Bianca de Vera kung ano raw ang sikretong maaari niyang ibunyag kina AZ Martinez at Ralph de Leon. “Siguro, ano, oh my God! Natatakot ako!” pag-aalinlangang sagot ni Bianca. “I guess, what you see is really what you get. They’re so real. Which I think is so re...

Inurirat si Bianca de Vera kung ano raw ang sikretong maaari niyang ibunyag kina AZ Martinez at Ralph de Leon.

“Siguro, ano, oh my God! Natatakot ako!” pag-aalinlangang sagot ni Bianca.

“I guess, what you see is really what you get. They’re so real. Which I think is so refreshing to see nowadays. Kasi, parang ‘pag nakakasama ko sila, alam mo ‘yung parang naka-smile lang talaga ako. Ang cute ng dalawang ‘to because they are so genuine. They are so real. Ang sweet nila sa isa’t isa,” kinikilig niyang kwento

“‘Di ko na tinatanong kung friends ba kayo or what. ‘Yun ang masasabi ko, they are very sweet,” dagdag pa ng aktres.

Sa mga nakaraang interview naman ay diretsahan inamin mismo ni Ralph na “very special” si AZ sa kanya .

Mas lalong lumalim ang kanilang koneksyon matapos lumabas ng ‘Bahay ni Kuya.’

“Through the course of those five months, I’ve gotten to know her very well. We really spent a lot of time together…” pag-amin ni Ralph.

Mula sa kanilang samahan sa loob ng ‘Bahay ni Kuya’ hanggang sa bonding moments nila sa outside world, kapansin-pansin ang kanilang playful at sweet na chemistry.

So, kayo na ang humusga sa tunay na relasyon ng dalawa. (Allan Sancon)

The post Bianca de Vera natakot ibuko sina AZ Martinez,Ralph de Leon first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph