Bangko Sentral ng Pilipinas hinigpitan pa ang transaksyon sa P500 cash withdrawal
tonite.abante.com.ph
Monday, February 9, 2026
Ipinag-utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa lahat ng BSP-supervised financial institutions (BSFI) ang pagsusuri sa cash withdrawals na higit P500,000 bawat kostumer, sa halip na kada transaksyon. Ayon sa memorandum na may petsang Pebrero 6 mula kay BSP Governor Eli Remolona, Jr., ang pags...
Ipinag-utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa lahat ng BSP-supervised financial institutions (BSFI) ang pagsusuri sa cash withdrawals na higit P500,000 bawat kostumer, sa halip na kada transaksyon.
Ayon sa memorandum na may petsang Pebrero 6 mula kay BSP Governor Eli Remolona, Jr., ang pagsusuring ito gamit ang enhanced due diligence (EDD) ay bahagi ng implementasyon ng BSP Circular 1218, Series of 2025.
Layunin umano nitong masiguro ang kaligtasan at transparency ng malalaking cash withdrawal at maiwasan ang maling paggamit ng pera o money laundering.
Pinapayagan ang mga bangko na gumamit ng streamlined EDD batay sa risk profile ng kostumer, uri ng negosyo o operasyon, at karaniwang pattern ng transaksyon.
Ang mas mahigpit na pagsusuri ay isasagawa naman umano kapag malayo sa inaasahang gawi o may mataas na “risk” ang transaksyon.
Sa panahon ng kalamidad o emergency, maaari namang kumuha ng certification mula sa pinuno ng ahensiya upang mapabilis ang cash withdrawals.
Tiniyak ng BSP na hindi makakaantala ang naturang mga hakbang sa lehitimong transaksyon ng mga kostumer. (Angelica Malillin)
The post Bangko Sentral ng Pilipinas hinigpitan pa ang transaksyon sa P500 cash withdrawal first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph
8 minutes ago
BBC fans have already binged all 4 Lord of the Flies episodes – here’s their verdict
9 minutes ago
Swiss fans celebrate as gold sinks in for Gremaud
9 minutes ago
Swiss fans celebrate as gold sinks in for Gremaud
10 minutes ago