MetroDiane Mollenido2 hours ago

3 anak isinama ng magdyowang suspek sa pagtapon vs tsinuging policewoman

tonite.abante.com.ph

Thursday, February 5, 2026

2 min read
Share:

Inilabas ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang CCTV footage kung saan makikita ang mag-asawang itinuturong utak sa brutal na pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Mollenido at sa kanyang anak na si John Ysmael. Nakunan ang mga suspek kasama ang kanilang tatlong anak sa isang ...

Inilabas ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang CCTV footage kung saan makikita ang mag-asawang itinuturong utak sa brutal na pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Mollenido at sa kanyang anak na si John Ysmael.

Nakunan ang mga suspek kasama ang kanilang tatlong anak sa isang hotel na kanilang tinuluyan matapos umanong itapon ang mga bangkay ng mga biktima.

Ayon sa QCPD, malinaw na kuha sa CCTV ang mag-asawa at ang kanilang mga anak habang nagtse-check in sa hotel, ilang oras matapos iwan ang mga bangkay sa magkahiwalay na lugar sa Pulilan, Bulacan at Victoria, Tarlac.

Mariing kinondena ni Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla ang ginawa ng mga suspek, na aniya ay nagpapakita ng “psychopathic criminal tendencies” lalo na’t isinama pa umano ng mga ito ang sarili nilang mga anak sa pagtatapon ng mga bangkay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumabas na pinatay ang mag-ina sa loob ng tirahan ng mga suspek sa Novaliches, Quezon City.

Matapos ang krimen, isinakay umano ng mag-asawa ang mga bangkay sa isang SUV, katuwang ang isa pang kasabwat, bago tumakas kasama ang kanilang mga anak.

Ayon kay Remulla, pinalabas pa umano ng mag-asawa sa mga anak na sila ay magbabakasyon sa Baguio City.

“Anong klaseng utak at puso ang mayroon ka para isama mo pa ang sarili mong mga anak sa disposal ng bangkay,” ani Remulla sa isang media briefing.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang mag-asawa at dalawa pa nilang kasabwat. (Issa Santiago)

The post 3 anak isinama ng magdyowang suspek sa pagtapon vs tsinuging policewoman first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph