2 balikbayan nahulihan ng marijuana oil, balm sa NAIA
tonite.abante.com.ph
Thursday, February 5, 2026
Nahulihan ng Bureau of Customs (BOC) ng hinihinalang marijuana oil at balm ang dalawang Pilipinong pasahero na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Thailand. Ayon sa BOC-NAIA, nag-ugat ang pagkakasamsam nang lumabas sa X-ray ang kahina-hinalang imahe sa bagahe ng mga pasa...
Nahulihan ng Bureau of Customs (BOC) ng hinihinalang marijuana oil at balm ang dalawang Pilipinong pasahero na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Thailand.
Ayon sa BOC-NAIA, nag-ugat ang pagkakasamsam nang lumabas sa X-ray ang kahina-hinalang imahe sa bagahe ng mga pasahero noong Martes.
Sa pisikal na inspeksiyon, natagpuan sa isang luggage ang 199.5 milliliters ng dilaw na likidong pinaghihinalaang marijuana oil at 60 gramo ng dilaw na solid substance na pinaghihinalaang marijuana balm, na tinatayang may street value na P7,170.
Binigyang-diin ng mga awtoridad na ang importasyon ng mga produktong sinasabing para sa medical use ay pinahihigpitan pa rin at nangangailangan ng tamang permit at clearance mula sa mga kaukulang ahensya.
Itinurn-over na sa Philippine Drug Enforcement Agency ang mga nasamsam na produkto at ang 2 balikbayang Pinoy para sa karampatang inquest proceedings kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act. (Angelika Cabral)
The post 2 balikbayan nahulihan ng marijuana oil, balm sa NAIA first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph
31 minutes ago
Japan's ruling parties could win over 60% of lower house, Nikkei poll shows

33 minutes ago
2 Chinese nationals suspected of spying from French Airbnb placed under investigation
33 minutes ago
Court jails former NEXIM Bank’s chief Roberts Orya 10 years for N1.4bn fraud

33 minutes ago