PBBM impeachment parang may script – Liza Maza
tonite.abante.com.ph
Thursday, February 5, 2026
Inihayag ni dating Gabriela party-list Rep. Liza Maza, isa sa mga naghain ng ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tila “scripted” ang pagbasura sa kanilang reklamo ng House Committee on Justice. Sa panayam sa “At The Forefront” ng Bilyonaryo News Channel, s...
Inihayag ni dating Gabriela party-list Rep. Liza Maza, isa sa mga naghain ng ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tila “scripted” ang pagbasura sa kanilang reklamo ng House Committee on Justice.
Sa panayam sa “At The Forefront” ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Maza na labis silang nadismaya sa desisyon ng komite na ideklarang insufficient in substance ang kanilang reklamo.
Ayon sa kanya, sinunod ng mga complainant ang lahat ng alituntunin sa Kamara, kabilang ang malinaw na paglalahad ng facts, detalyadong grounds para sa impeachment, at supporting documents.
Iginiit din ni Maza na ang authentication ng ebidensya ay dapat idaan sa ikalawang yugto ng proseso sa mismong pagdinig, at hindi sa unang pagsusuri ng komite.
“Meron kaming recital of facts. And malinaw ‘yung grounds for impeachment, itong betrayal of public trust. At meron kami mga attachments. Pero siyempre, alam din namin, according to the rules, doon pa ‘yan sa second stage. Which is the hearing itself, wherein i-authenticate ‘yung aming mga alleged facts, ‘yung mga documents namin,” ani Maza.
Binanggit din ng dating mambabatas ang ang apat na botohan sa komite hinggil sa pagsasama ng mga attachment, kung saan tatlong beses pabor sa hindi pagsama, bago sa huli ay tuluyang tinanggihan ang mga ito.
“The voting is very reflective of who is in control in the committee as well as in the House in general. Kasi alam naman natin ang karamihan doon alyado ni Presidente,” ani Maza. “Kaya makikita mo na parang may script na.” (Angelika Cabral)
The post PBBM impeachment parang may script – Liza Maza first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph
3 minutes ago
Japan's ruling parties could win over 60% of lower house, Nikkei poll shows

5 minutes ago
2 Chinese nationals suspected of spying from French Airbnb placed under investigation
5 minutes ago
Court jails former NEXIM Bank’s chief Roberts Orya 10 years for N1.4bn fraud

6 minutes ago