Alam mo na Paulo Avelino? Xian Lim game idirek si Kim Chiu

tonite.abante.com.ph

Thursday, February 5, 2026

1 min read
Share:

Diresatahan naming tinanong si Xian Lim kung willing ba siyang magkaroon ng reunion project with Kim Chiu. “Any project will do. Wala naman pong ano….’Di ba parang we just want to do our job, we just want to be able to do films, ” deklara ni Xian. Inurirat din namin kung w...

Diresatahan naming tinanong si Xian Lim kung willing ba siyang magkaroon ng reunion project with Kim Chiu.

“Any project will do. Wala naman pong ano….’Di ba parang we just want to do our job, we just want to be able to do films, ” deklara ni Xian.

Inurirat din namin kung willing ba si Xian na i-direct si Kim kung magkaroon ng pagkakataon.

“Of course, Oo naman!” sagot niya.

Bilang director may mga gusto ba siyang i-direk na local artist?

“Gosh! Ah, I’m a huge fan of Ian Veneracion. Eversince my Cinemalaya Film, lagi kami nag-uusap, sinabi ko naman sa kanya yun,” masayang sambit ni Xian.

“Anne Curtis, Sarah Geronimo, Claudine Barretto, because you will learn from them,” dagdag pa niya na gusto niyang makatrabaho sa mga female actress.

Samantala,paano niya hina-handle ang bashing?

“Wala na! Tahimik na yung buhay ko eh,” maikli niyang sagot

Anyway, sa unang pagkakataon ay ididirek ni Xian ang serye sa Viva One na pinamagatang “Project Loki.” Pinagbibidahan ito nina Dylan Menor, Jayda Avanzado, Marco Gallo .Magsisimula itong ipalabas sa Viva One ngayong February 21.

The post Alam mo na Paulo Avelino? Xian Lim game idirek si Kim Chiu first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph