2 pulis sibak sa natodas na criminology student

tonite.abante.com.ph

Tuesday, February 3, 2026

2 min read
Share:

Sinibak sa puwesto kahapon ang dalawang pulis na nakatalaga sa Novaliches Police Station (PS 4) ng Quezon City Police District (QCPD) habang iniimbestigahan sa pagkamatay ng 24-anyos na criminology student matapos tamaan ng ligaw na bala sa naganap na shootout sa lungsod noong Linggo ng gabi. Ayo...

Sinibak sa puwesto kahapon ang dalawang pulis na nakatalaga sa Novaliches Police Station (PS 4) ng Quezon City Police District (QCPD) habang iniimbestigahan sa pagkamatay ng 24-anyos na criminology student matapos tamaan ng ligaw na bala sa naganap na shootout sa lungsod noong Linggo ng gabi.

Ayon kay QCPD director, P/Col. Randy Glenn Silvio, bumuo na umano ito ng special investigation team upang alamin kung ang ligaw na bala na nakapatay sa 2nd year criminology student na si Eries John Arizobal Genovatin ay mula sa baril ng kaniyang mga pulis.

“Iniimbestigahan na. nag-create tayo ng special investigation team,” paliwanag ni Silvio.

Aniya, dahil magka-angkas ang dalawang pulis nang habulin ang namaril at nakapatay na riding in tandem, ay pareho silang pansamantalang inalis sa puwesto.

Una dito, pinagbabaril at napatay ang 29-anyos na delivery rider na si Jonari Malazarte Dangalan, ng riding in tandem, alas- 11:20 noong gabi ng Linggo sa Villareal St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Nang marinig naman ang putukan ay agad nagtayo ng checkpoint ang PS-4 sa pangunguna ni P/Cpt. Elvin Olmedilo sa kanto ng Quirino Highway at Nitang, Brgy. Gulod at namataan ang tumatakas na mga suspek.

Hinabol ng mga pulis ang tandem subalit isa sa mga suspek ang nagpaputok kaya gumanti ang mga awtoridad subalit nakatakas pa rin ang mga salarin

Matapos ang engkwentro, nakitang duguang nakabulagta si Genovatin sa tabi ng kanyang bisikleta matapos tamaan ng ligaw na bala. (Dolly Cabreza)

The post 2 pulis sibak sa natodas na criminology student first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph