Kelot binugbog, tinuhog sa leeg ng mag-erpat, tigok
tonite.abante.com.ph
Tuesday, February 3, 2026
Tigok ang 48-anyos na lalaki nang pagtulungang bugbugin ng mag-ama at saksakin pa ng banana cue stick sa leeg sa Tanay, Rizal. Sa naantalang ulat ng Tanay Municipal Police, nangyari ang insidente sa Bgy. Kaybuto, sa Tanay Rizal noong Linggo ng hapon, Pebrero 1. Batay sa imbestigasyon ni Mst. Sgt....
Tigok ang 48-anyos na lalaki nang pagtulungang bugbugin ng mag-ama at saksakin pa ng banana cue stick sa leeg sa Tanay, Rizal.
Sa naantalang ulat ng Tanay Municipal Police, nangyari ang insidente sa Bgy. Kaybuto, sa Tanay Rizal noong Linggo ng hapon, Pebrero 1.
Batay sa imbestigasyon ni Mst. Sgt. Danilo Morales Jr., inutusan umano ng biktima ang 28-anyos na suspek na isang tricycle driver na ikabit ang kadena ng kaniyang motorsiklo.
Nang hindi sumunod ang suspek ay bigla umano itong tinadyakan ng biktima at inambahan pang sasaksakin.
Umuwi ang suspek at isinumbong sa 50-anyos na ama ang pambu-bully sa kanya ng biktima.
Linggo ng hapon, eksaktong nag-krus ang landas ng ama at ng biktima sa Macarulay St., at kinompronta nito ang huli hanggang sa silaβy magtalo.
Naglabas ng balisong ang biktima habang armado ng banana cue stick ang matandang suspek.
Nalaman ng batang suspek na nagtatalo ang ama at ang biktima kaya agad itong sumugod at pinagsusuntok ang huli.
Nang makita naman ng ama na tila agrabyado ang anak ay agad nitong sinaksak sa leeg at dibdib ang biktima na agaran nitong ikinasawi.
Dinala sa ospital ang nadakip na mag-amang suspek na nasugatan din sa bibig, braso, at balikat matapos masaksak ng biktima.
Sa pulisya, iginiit ng mag-ama na “self-defense” ang kanilang ginawa, gayunman, kakasuhan pa rin sila ng murder. (Dolly Cabreza)
The post Kelot binugbog, tinuhog sa leeg ng mag-erpat, tigok first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph

0 minutes ago
ΠΡΡΠΈΠ½ ΠΆΠ΄Π΅Ρ Π·Π½Π°ΡΠΈΠΌΡΠ΅ ΡΠ΅Π·ΡΠ»ΡΡΠ°ΡΡ ΡΡΡΡΠΊΡΡΡΠ½ΡΡ ΠΈΠ·ΠΌΠ΅Π½Π΅Π½ΠΈΠΉ Π² ΡΠΎΡΡΠΈΠΉΡΠΊΠΎΠΉ ΡΠΊΠΎΠ½ΠΎΠΌΠΈΠΊΠ΅
0 minutes ago
Π£ΠΊΡΠ°ΠΈΠ½ΡΠ° ΠΡΠ΄ΡΠΈΠΊΠ° Π·Π°Π±Π°Π½ΠΈΠ»ΠΈ Π·Π° ΠΎΡΠΊΠΎΡΠ±Π»Π΅Π½ΠΈΡ ΠΏΠΎΠ»ΡΠΊΠ° Π² CS2

1 minutes ago
ΠΠΊΡΠΈΠΈ Β«Π‘Π°ΠΌΠΎΠ»Π΅ΡΠ°Β» Π²ΠΊΠ»ΡΡΠ°Ρ Π² ΠΈΠ½Π΄Π΅ΠΊΡΡ ΠΠΎΡΠ±ΠΈΡΠΆΠΈ ΠΈ Π Π’Π‘ Ρ 4 ΡΠ΅Π²ΡΠ°Π»Ρ

2 minutes ago