SportsBella Belen1 hours ago

Bella, Solar Spikers nilaklak ZUS Coffee

tonite.abante.com.ph

Tuesday, February 3, 2026

2 min read
Share:

Mga laro sa Huwebes (Filoil Center-San Juan) 4:00 pm – Choco Mucho vs Cignal 6:30 pm Creamline vs PLDT Nagbaon si Mhicaela ‘Bella’ Belen ng 26 points sa likod ng 24 attack at 2 aces upang higupin ng Capital1 ang ZUS Coffee, 25-17, 25-16, 15-25, 25-19, sa 9th Premier Volleyball League 2026...

Mga laro sa Huwebes

(Filoil Center-San Juan)

4:00 pm – Choco Mucho vs Cignal

6:30 pm Creamline vs PLDT

Nagbaon si Mhicaela ‘Bella’ Belen ng 26 points sa likod ng 24 attack at 2 aces upang higupin ng Capital1 ang ZUS Coffee, 25-17, 25-16, 15-25, 25-19, sa 9th Premier Volleyball League 2026 All-Filipino Conference prelims Day 2 nitong Lunes ng gabi sa Filoil Center.

Pinamunuan ng 2025 top pick rookie pick ang Solar Spikers sa 11-2 bomba sa fourth set upang umahon sa 13-17 down tungo sa makasaysayang unang panalo ng team sa simulang kampanya sapol ng sumali sa liga noong 2024.

“Iniisip ko lang kung paano pa ako makaka-help sa team dahil may chance na kami ngayon. So very grateful sa mga teammate ko dahil hindi sila tumigil para manalo kami,” suma ni Belen.

Sinalya niya rin ang kampo sa 4-way-tie para sa liderato sa season-opening conference ng liga na pinamamahalaan ng Sports Vision Management Group, Inc.

“Very thankful din sa mga nadagdag sa amin kasi malaking tulong sila. Mas nabuo ang team at inuunti-unti pa naming sinasanay para makakuha ng mga panalo,” hirit ni Belen.

Pukpok din sa Solar Spikers sina Ma. Shaya Adorador na umiskor ng 14, Ysabel Jamie Jimenez, at Pauline Maria Monique Gaston na may 10 puntos bawat isa. (Lito Oredo)

The post Bella, Solar Spikers nilaklak ZUS Coffee first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph