NewsBOC1 hours ago

Marijuana kendi, vape sa parcel naharang

tonite.abante.com.ph

Monday, February 2, 2026

1 min read
Share:

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang mga marijuana-infused candy at mga vape cartridge na may cannabis oil na itinago sa mga inbound parcel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa BOC-NAIA nitong Lunes, natuklasan ang ilegal na droga sa parcel na idineklarang kendi sa Central M...

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang mga marijuana-infused candy at mga vape cartridge na may cannabis oil na itinago sa mga inbound parcel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa BOC-NAIA nitong Lunes, natuklasan ang ilegal na droga sa parcel na idineklarang kendi sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City noong Enero 26.

Natuklasan sa pamamagitan ng pisikal na inspeksyon ang 63 pakete ng marijuana kendi at mga vape cartridge na naglalaman ng tinatayang 19.5 mililitro ng cannabis oil, gayundin ang 3.5 gramo ng dried marijuana leaves.

Tinatayang aabot sa P6,420 ang kabuuang halaga ng mga nasabat na kontrabando.

Nai-turnover na ang mga nasamsam na droga at ang claimant sa PDEA para sa kaukulang disposisyon at inquest proceedings dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at o Customs Modernization and Tariff Act.

The post Marijuana kendi, vape sa parcel naharang first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph