Back to News
🌍
VisMinBaluk-Baluk Island‱1 hours ago

Todas sa lumubog na M/V Trisha Kerstin, 43 na

tonite.abante.com.ph

Monday, February 2, 2026

1 min read
Share:

Tatlo pang labi ng biktima mula sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 ang narekober sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan nitong Lunes, Pebrero 2, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Ayon sa PCG, isang bangkay ang itinurn-over mula sa BRP Melchora Aquino patungong BRP Capones bandang...

Tatlo pang labi ng biktima mula sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 ang narekober sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan nitong Lunes, Pebrero 2, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, isang bangkay ang itinurn-over mula sa BRP Melchora Aquino patungong BRP Capones bandang alas-10:05 ng umaga. Dalawa pang labi ang natagpuan sa Mataja Island bandang alas-10:28 ng umaga at dinala ng BRP Capones para sa pagkakakilanlan at maayos na disposisyon.

Dahil sa mga bagong recovery, umakyat na sa 43 ang kabuuang bilang ng nasawi mula sa trahedya ng lumubog na RoRo vessel noong Enero 26.

Nanatili naman sa 316 ang bilang ng mga nakaligtas, ayon sa PCG.

The post Todas sa lumubog na M/V Trisha Kerstin, 43 na first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph