David Licauco binigyan ng P30k ang contestant
tonite.abante.com.ph
Monday, February 2, 2026
Umani ng matinding atensyon ang paglabas ni David Licauco sa isang noontime show. Ipinaramdam niya ang pagiging generous sa isang contestant. Sa isang game ng programa, bukod tanging si David ang naiwan upang sumabak sa jackpot round. Sa halagang ₱30,000, pinapili si David kung “Pot o Li-po...
Umani ng matinding atensyon ang paglabas ni David Licauco sa isang noontime show. Ipinaramdam niya ang pagiging generous sa isang contestant.
Sa isang game ng programa, bukod tanging si David ang naiwan upang sumabak sa jackpot round.
Sa halagang ₱30,000, pinapili si David kung “Pot o Li-pot.” Walang pag-aalinlangang, pot ang kanyang pinili dahil kapag nasagot niya ang tanong mananalo ng ₱250,000 ang nabunot na contestant.
Nakiusap ang contestant na i-go na David ang P30K pero lumaban pa rin siya. Pinangakuan din niya na kapag hindi niya nasagot ang tanong, personal niyang bibigyan ito ng ₱30K.
Dumating ang kritikal na tanong na ikinatalo ni David:“Ngayong taon ay Year of the Fire Horse sa Chinese Zodiac. Bukod sa Fire, Wood, Earth, at Water, ano pa ang isang element na kulang?”
“Metal” ang tamang answer sa katanungan na bigong nasagot ng aktor.
Marami ang humanga kay David nang mag-sorry ito at diretsahan niyang sabihin sa contestant, “Bibigyan kita ng ₱30K.”
Bukod dito, viral din ang eksena nang biruin ni Vice si David at maglambing na magpadala naman daw siya ng pagkain sa kanila. Walang kaabog-abog, umoo ang bida ng “ Never Say Die.” at sinabing, “Sige.”
Patunay ito ng kanyang pagiging humble at mapagbigay lalo’t maganda ang takbo ng kanyang career at negosyo.
Boom! (Allan Sancon)
The post David Licauco binigyan ng P30k ang contestant first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph



