Sportsbeterano1 hours ago

Mabilis na sumisikat!: Juan Gomez De Liano bagito pa, pero beterano na galawan

tonite.abante.com.ph

Sunday, February 1, 2026

3 min read
Share:

Sa Class of 2025 na pumasok sa PBA nitong Season 50, pinakamainit ang pangalan ni Juan Gomez De Liano. No. 2 pick siya ng Converge noong September, sa likod lang ni Geo Chiu na hinugot ng Terrafirma. Pasiklab agad si Juan sa kanyang rookie season, sa PBA debut sa Philippine Cup noong Oct. 11 ay n...

Sa Class of 2025 na pumasok sa PBA nitong Season 50, pinakamainit ang pangalan ni Juan Gomez De Liano.

No. 2 pick siya ng Converge noong September, sa likod lang ni Geo Chiu na hinugot ng Terrafirma.

Pasiklab agad si Juan sa kanyang rookie season, sa PBA debut sa Philippine Cup noong Oct. 11 ay naglista agad ng triple-double.

Nagpakilala sa tono ng 15 points, 10 rebounds, 11 assists sa 129-92 win ng FiberXers laban sa Titan Ultra sa Ynares Center sa Montalban.

Siya ang buena-manong PBA Press Corps Player of the Week ng tournament.

Sa record ni chief statistician Fidel Mangonon III, si Gomez De Liano ang unang player sa 50 seasons ng PBA na humarabas ng triple-D sa kanyang unang laro sa pros.

Pero maraming miron ang nagsasabi, kung tutuusin ay hindi na rookie ang nakababatang kapatid ni Javi Gomez De Liano ng Magnolia.

Natapos ang termino ni Juan sa UP noong 2019, unang dumayo ang 26-year-old Fil-Spanish sa Japan B.League third division para sa Earthfriends Tokyo Z noong 2021.

Bago nagpa-draft sa PBA, naglaro na rin ang 6-foot explosive guard sa BC Wolves sa Lithuanian Basketball League, naka-isang season din noong 2022-23.

Rumampa rin siya sa Seoul SK Knights sa Korean Basketball League noong 2023-25.

Classified bilang professional leagues, nahasa si Gomez Ge Liano sa international play.

Nakursunadahan pa siya ni coach Tim Cone na isahog sa Gilas Pilipinas pool, hindi lang nakasama sa final 12 na sumabak sa first window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers noong November.

Noong Nov. 14, sinilaban ni Gomez De Liano ng 32 points (12 of 15 shooting, 3 for 4 sa 3s at 1 for 2 sa 4s) ang Ginebra para akayin ang Converge sa 106-96 win.

Napikon pa noon si Cone dahil nadesisyunan na ang resulta ay tumira pa ng layup si Juan sa closing seconds.

Katwiran ng Converge, importante ang basket dahil sa quotient system pagdating ng playoffs.

No. 4 nga ang FiberXers pagkatapos ng 11-game eliminations, twice-to-beat laban sa No. 5 Ginebra sa quarters. Binawian sila ng Gins, nilusaw ang advantage ng Converge 105-85 at 99-98 overtime win sa pangalawang laro.

Classic ang huling matchup, sa 4-ball ni Juan GDL ay lumamang na ang Converge pero ididiskaril pala ng 3-pointer ni Stephen Holt sa dying seconds ng OT.

Overall, naka-apat na Player of the Week citations si Gomez De Liano, may tatlong triple-double.

Pumangalawa si Juan kay June Mar Fajardo sa botohan para sa Best Player of the Conference, hindi na masama para sa isang rookie.

Ngayon pa lang, markado na si Gomez De Liano. Hindi nawawala ang pangalan niya sa debatehan ng mga pinakamaangas na young gun. (Vladi Eduarte)

The post Mabilis na sumisikat!: Juan Gomez De Liano bagito pa, pero beterano na galawan first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph