Red tide warning itinaas sa Pangasinan
tonite.abante.com.ph
Sunday, February 1, 2026
Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko laban sa mga shellfish at alamang mula sa baybayin ng Bolinao at Anda matapos magpositibo ang mga ito sa paralytic shellfish poison o red tide. Sa inilabas na abiso ng BFAR, ipinagbawal ang pagkuha, pag-transport o pagbeben...
Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko laban sa mga shellfish at alamang mula sa baybayin ng Bolinao at Anda matapos magpositibo ang mga ito sa paralytic shellfish poison o red tide.
Sa inilabas na abiso ng BFAR, ipinagbawal ang pagkuha, pag-transport o pagbebenta ng mga apektadong seafood hanggang sa opisyal na pag-alis ng babala.
Ligtas namang kainin ang ibang seafood tulad ng isda, pusit, alimango at hipon basta sariwa, malinis, at maayos na hinugasan bago lutuin.
Babala pa ng BFAR, ang red tide ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan kung makakain ang kontaminadong shellfish.
The post Red tide warning itinaas sa Pangasinan first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph


