Korina Sanchez na-shock sa inamin ni Jessica Rodriguez kay David Bunevacz

tonite.abante.com.ph

Sunday, February 1, 2026

3 min read
Share:

Sa isang bihirang panayam ni Korina Sanchez-Roxas, unang beses na nagbukas ng kanyang puso ang dating aktres at talent manager na si Jessica Rodriguez tungkol sa kanyang dating asawang si David Bunevacz, isang negosyante at dating atleta na kasalukuyang nakakulong dahil scam. Sa nasabing panayam ...

Sa isang bihirang panayam ni Korina Sanchez-Roxas, unang beses na nagbukas ng kanyang puso ang dating aktres at talent manager na si Jessica Rodriguez tungkol sa kanyang dating asawang si David Bunevacz, isang negosyante at dating atleta na kasalukuyang nakakulong dahil scam.

Sa nasabing panayam sa programang “Agenda” ng Bilyonaryo News Channel, inamin ni Jessica na matagal na siyang walang komunikasyon kay Bunevacz, bagama’t patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng kanilang mga anak sa ama.
“The kids, they visit him, they talk to him. I actually push them to really see your dad every week, every weekend, but I have not spoken to him for, like, two years,” ani Jessica.
Nilinaw niyang hindi ito personal na desisyon kundi bunga ng mga pangyayari.
Gayunman, isang pag-amin ang ikinagulat ni Korina.
“I miss him,” ani Jessica.
“You do? Really? You do tell me that. I didn’t know you were going to say that on air [laughing],” sey ni Korina.
Sinabi rin ni Jessica na dahil sa sobrang pagmamahal at pag-aalaga na ipinaranas sa kanya ni David sa loob ng 23 taon, kahit wala na raw siyang makilalang iba pang lalaki ay kuntento na siya.
“I think I mentioned this to you, even if I think I won’t have anybody na in my life, it’s okay, because I experienced that love, and so much love, actually, and care for, um, 23 years. That even if maybe wala na akong makilala diyan, okay lang.”
Nang tanungin kung ano ang mangyayari kapag nakalaya na si Bunevacz, aminado si Jessica na hindi pa niya alam ang sagot.
“I don’t know… I got hurt. I got really hurt. Very hurt,” aniya.
“Four years, right? Four years na lang?” tanong naman ni Korina.
“Four years, and then he has four more years. Depende [laughing],” sagot naman ni Jessica.
“We’ll find out. We’ll cross the bridge when we get there. Que sera sera,” sey naman ni Korina.
Sa ngayon, determinado raw si Jessica na tumayo sa sarili niyang mga paa.
“In the meantime… I’ll try to stand on my own. I think I’ve mentioned this before. He was my crush for 23 years. And I think God took him away from me so I can stand on my own, and, you know among other purposes. Maybe this is the time for me to really prove to myself that, hey, you can do it on your own without anybody else, without any crutches,” sabi ni Jessica. (Issa Santiago)

The post Korina Sanchez na-shock sa inamin ni Jessica Rodriguez kay David Bunevacz first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph