NewsMTPB1 hours ago

Traffic enforcer sibak sa viral video habang nangingikil

tonite.abante.com.ph

Sunday, February 1, 2026

1 min read
Share:

Agad na sinibak sa serbisyo ang isang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos kumalat sa social media ang video habang nangingikil umano ito sa isang motorista. Ayon kay Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, mahigpit na ipinatutupad ng lungsod ang “One Strike Policy...

Agad na sinibak sa serbisyo ang isang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos kumalat sa social media ang video habang nangingikil umano ito sa isang motorista.
Ayon kay Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, mahigpit na ipinatutupad ng lungsod ang “One Strike Policy” laban sa mga tiwa­ling kawani at agad na tatanggalin sa trabaho ang sino mang mahuhu­ling sangkot sa korapsiyon.
Binigyang-diin ng alkalde na walang puwang ang katiwalian sa pamahalaan ng Maynila at dapat manatiling tapat ang bawat empleyado sa kanilang tungkulin.
Hindi naman tinukoy sa ulat kung saan nangyari ang insidente.
Hinihikayat naman ng lokal na pamahalaan ang publiko na i-report agad ang ano mang kaso ng korapsyon o pang-aabuso upang masiguro ang mabilis na aksiyon ng mga awtoridad.

The post Traffic enforcer sibak sa viral video habang nangingikil first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph