Willie Revillame humirit na walang bembang
tonite.abante.com.ph
Sunday, February 1, 2026
Tinanong si Willie Revillame kung may girlfriend ba siya ngayon? “Wala akong girlfriend. Kasi kung may girlfriend ako, ipapaalam ko sa iyo. Ite-text agad kita. Ise-send ko sa iyo, naghahalikan pa kaming dalawa, ” pabirong sagot ni Willie. “Wala akong girlfriend. Wala akong karelasyon. Hindi...

Tinanong si Willie Revillame kung may girlfriend ba siya ngayon?
“Wala akong girlfriend. Kasi kung may girlfriend ako, ipapaalam ko sa iyo. Ite-text agad kita. Ise-send ko sa iyo, naghahalikan pa kaming dalawa, ” pabirong sagot ni Willie.
“Wala akong girlfriend. Wala akong karelasyon. Hindi totoo yan. Alam mo ang hirap, e. Pag nag-picture ka sa Facebook, YouTube, pag ginanu’n (inakbayan) mo na yung babae, i-encircle na (sa litrato at video). Tapos sasabihin, ‘Eto talaga si Willie, manyak.’ Ang hirap. Kaya pag nagpapa-picture ako lagi akong nakaganyan (mga kamay nasa harapan niya),” naiinis na saad pa niya
“Pero kapag matatanda, lola, (ang inakbayan ko), hindi ako bina-bash. Pero pag bata, magaganda, bina-bash ako. Ang hirap talaga ng social media, e,” aniya.
Naitanong din kay Willie kung kumusta naman ang kalusugan niya ngayon at ang kanyang sex life?
“Okay naman ako. Bago ako magsimula, nagpa-general checkup ako. Yun nga lang, ang isang problema ko, patay na siya. Sabay kami ipinanganak, pero una siyang namatay,” natatawang biro ni Willie patungkol sa kanyang sex life.
The post Willie Revillame humirit na walang bembang first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph


