Back to News
🌍
NewsAbra de Ilog•1 hours ago

NTF-ELCAC: Pagpapauwi sa Fil-Am activist, hakbang panseguridad

tonite.abante.com.ph

Sunday, February 1, 2026

3 min read
Share:

Nilinaw ng isang task force na ang Order to Leave na ipinatupad laban sa Filipino-American na si Chantal Anicoche ay isang hakbang na nagbibigay-daan sa mga kaugnay na institusyon sa Pilipinas at sa ibang bansa na higit pang suriin ang kanyang kaso alinsunod sa kani-kanilang legal na balangkas. A...

Nilinaw ng isang task force na ang Order to Leave na ipinatupad laban sa Filipino-American na si Chantal Anicoche ay isang hakbang na nagbibigay-daan sa mga kaugnay na institusyon sa Pilipinas at sa ibang bansa na higit pang suriin ang kanyang kaso alinsunod sa kani-kanilang legal na balangkas. Ayon kay Usec. Ernesto C. Torres Jr., Executive Director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) mahalagang tandaan na kapwa itinalagang teroristang organisasyon sa ilalim ng batas ng Pilipinas ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA)—isang klasipikasyong kinikilala rin ng ibang pamahalaan, kabilang ang Estados Unidos.

Ipinaliwanag ni Torres na ang desisyon ng pamahalaan ay hindi isang deklarasyon ng kawalang-sala o paghatol sa mga pahayag na si Anicoche ay biktima ng diumano’y pampulitikang pag-uusig. Sa halip, ito ay isang administratibong hakbang na isinagawa batay sa umiiral na mga batas sa imigrasyon, na may layuning tugunan ang mga seryosong usaping panseguridad na lumitaw sa proseso ng pagsusuri ng kanyang kaso.

Ayon sa NTF-ELCAC, malinaw na ang naging aksyon ng pamahalaan ay nakabatay sa ebidensiya at sa mga impormasyong lumitaw sa maayos at legal na proseso, kabilang ang sariling pag-amin ni Anicoche hinggil sa kanyang presensya sa kampo ng NPA at sa kanyang pakikipag-ugnayan sa naturang armadong grupo.

Natagpuan si Anicoche malapit sa lugar ng armadong engkuwentro noong Enero 1 sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro, kung saan isang estudyante ang nasawi, isa ang naiulat na nawawala, at dalawang sundalo ang nasugatan.

Sa isinagawang debriefing, inamin umano ni Anicoche na siya ay dumating sa bansa upang makipag-ugnayan sa NPA at nanatili sa isang kampo ng grupo sa panahong naganap ang engkuwentro. Kinilala rin niya ang kanyang pagkakasangkot sa mga organisasyong nasa ibayong-dagat na itinuturing ng mga awtoridad bilang bahagi ng pandaigdigang pampulitika at suportang network ng CPP, na may papel sa recruitment, pangangalap ng pondo, at pagpapalaganap ng ideolohiya ng armadong kilusan.

Binigyang-diin ni Torres na ang kaso ni Anicoche ay muling naglalantad ng isang mapanganib na padron kung saan ang mga kabataan—kabilang ang mga dayuhang mamamayan—ay nahihikayat na pumasok sa mga sonang may armadong tunggalian sa pamamagitan ng mga rutang inilalarawan bilang adbokasiya, immersion, o international solidarity, ngunit sa aktuwal ay nagreresulta sa radikalisasyon at direktang pagkalantad sa karahasan.

“Walang ideolohiya o pampulitikang naratibo ang mas mahalaga kaysa sa buhay ng isang tao. Walang adhikain ang nagbibigay-katwiran sa paglalagay ng kabataan sa panganib,” diin ni Torres, kasabay ng babala sa mga grupong patuloy na naglalantad ng mga indibidwal sa sitwasyong maaaring humantong sa trahedya.

Ngayong wala na si Anicoche sa bansa, sinabi ni Torres na ganap nang natupad ng pamahalaan ang mga obligasyon nito sa ilalim ng batas.

The post NTF-ELCAC: Pagpapauwi sa Fil-Am activist, hakbang panseguridad first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph