KimPau aamin kay Kris Aquino
tonite.abante.com.ph
Sunday, February 1, 2026
Ang daming excited sa pagbabalik talk show ni Kris Aquino, ha! Aba, mula noong in-announce nga niya na gusto na niyang bumalik sa pagi-interview, dagsa agad ang mga request na kung sino-sino ang gusto nilang mapanood na tsitsikahin niya. Anyway, ayon nga sa latest post ni Kris sa Instagram, desid...
Ang daming excited sa pagbabalik talk show ni Kris Aquino, ha! Aba, mula noong in-announce nga niya na gusto na niyang bumalik sa pagi-interview, dagsa agad ang mga request na kung sino-sino ang gusto nilang mapanood na tsitsikahin niya.
Anyway, ayon nga sa latest post ni Kris sa Instagram, desidido pa rin siya sa mga plano niyang gawin, lalo na at sa tingin ng marami ay tila umookey na ang kanyang pakiramdam.
“This is my life’s new reality. But in order for me to continue being brave, I need to do slowly what i love until i am stronger.”
“My goal is once a week sit down interviews with people who for me are interesting and with God’s blessing, weekly enjoyable treatment of products I really use.”
“Because there’s a team doing my hair & makeup, I have a skeleton crew, a 2 cam setup shooting me and the closeups of the others as well as product shots and I’m excited to start sharing new home cooking recipes made simpler with all of you. Happy viewing. #Brave #lovelovelove,” sey ni Kris.
At sino-sino nga ba ang hiling ng mga netizen na ma-interview ni Kris?
Siyempre, una na riyan sina Kim Chiu at Paulo Avelino, na ang plano nga ng mga faney ay paaminin na ni Kris ang KimPau, ha!
Aamin kaya sila kay Kris ng real score ng kanilang relasyon ?
Bongga! (Dondon Sermino)
The post KimPau aamin kay Kris Aquino first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
