Lumilipad ang galing ng Pilipino
tonite.abante.com.ph
Sunday, February 1, 2026
Sa dami ng balitang nakakabigat ng loob gaya ng taas ng bilihin, traffic, away sa pulitika – minsan nakakalimutan nating may mga Pilipinong panalo sa mundo. Tahimik lang. Walang yabang. Pero solid. Kaya nakatutuwang malaman na ngayong 2026, may tatlong kompanyang Pilipino na kinilala sa ASE...
Sa dami ng balitang nakakabigat ng loob gaya ng taas ng bilihin, traffic, away sa pulitika – minsan nakakalimutan nating may mga Pilipinong panalo sa mundo. Tahimik lang. Walang yabang. Pero solid.
Kaya nakatutuwang malaman na ngayong 2026, may tatlong kompanyang Pilipino na kinilala sa ASEAN tourism awards. At isa sa kanila? Walang iba kundi ang Enchanted Kingdom—ang lugar na pinuntahan na natin noong bata pa tayo.
Sa ika-30 taon ng EK, ginawaran ito ng Best ASEAN New Tourism Attraction dahil sa AGILA The EKsperience: SARIBUHAY—ang kauna-unahan at nag-iisang flying theater sa Pilipinas. Ibig sabihin, hindi lang tayo basta sumasabay; nakikipagsabayan tayo.
Sa Cebu ginanap ang awarding, at personal itong tinanggap ng EK Chairman na si Cesar Mario Mamon at ng COO na si Dr. Cynthia Mamon. Pero sa totoo lang, hindi lang EK ang panalo rito—tayong lahat.
Kasi ang AGILA, hindi lang ride na pampasaya. Isa itong paalala kung gaano kaganda ang Pilipinas—mula bundok hanggang dagat—at kung gaano ito madaling masira kapag pinabayaan.
Kaya nga nang i-relaunch ito noong Oktubre bilang bahagi ng anniversary ng EK, mas pinaganda pa ang experience: may underwater journey, may endangered marine life, may mensaheng hindi mo pwedeng dedmahin—alagaan natin ’to.
Maganda rin isipin na ang ride na ’to ay bahagi ng education program ng EK. Hindi lang puro sigawan at tili; may natututuhan. May naiuuwi.
Kasama ring kinilala sa ASEAN awards ang Shroff Travel ng Muntinlupa at ang SMX Convention Center—patunay na kapag turismo, kaya ng Pilipino ang world-class.
Sa huli, magandang paalala ito: Hindi lahat ng balitang galing Pilipinas ay problema. Hindi lahat ng Pilipino ay talo.
Minsan, kailangan lang nating tumingala—parang sakay ng AGILA—para maalalang may ipinagmamalaki pa rin tayo.
Ang sa akin lang – higit sa rides, ang tanong: kailan ka huling naging proud na Pilipino?
The post Lumilipad ang galing ng Pilipino first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph
1 hours ago
На Солнце произошла вторая с начала года вспышка максимального класса
1 hours ago
Террористка Трепова* попросила прощения у пострадавших
1 hours ago
КПП "Рафах" на границе сектора Газа и Египта открылся в тестовом режиме

1 hours ago