Natakot: Onemig Bondoc feeling sasaktan ni Aiko Melendez

tonite.abante.com.ph

Saturday, January 31, 2026

2 min read
Share:

Inamin ni Onemig Bondoc na torpe siya kaya hindi niya agad naging girlfriend si Aiko Melendez. For 29 years, magkaibigan daw sila ni Onemig. Lumalabas sila ni Aiko kasama ang dalawa pa nilang kaibigang lalaki. At isa doon si Kenny Mejia na spokesperson daw ni Onemig. Siya ang nagsasabi ng inten...

Inamin ni Onemig Bondoc na torpe siya kaya hindi niya agad naging girlfriend si Aiko Melendez.

For 29 years, magkaibigan daw sila ni Onemig. Lumalabas sila ni Aiko kasama ang dalawa pa nilang kaibigang lalaki. At isa doon si Kenny Mejia na spokesperson daw ni Onemig. Siya ang nagsasabi ng intensyon ni Onemig na ligawan si Aiko.

“Syempre, nu’ng time na yun tyope ako, e. So I would always bring Kenny with me.

Kasi nga hindi ko masabi sa kanya ‘yung gusto ko,” esplika ni Onemig.

Kaya si Onemig ang may dalang chaperon, not one, not two but three. Samantalang si Aiko ay nag-iisa lang kapag lumalabas sila.

Pero nawala raw ‘yun communication nila ni Aiko dahil sa pride ni Onemig.

Kwento ng dating aktor, “Actually, kasi before syempre, tao lang naman ako ‘di ba? Sino ba naman ako sabi ko. E, sino ba naman yung mga ex niya compared sa akin?”

Naramdaman agad ni Onemig na hindi siya seseryosohin ni Aiko. At the same time, natakot rin daw si Onemig dahil nanggaling siya sa isang malungkot na relasyon. Feeling niya sasaktan lang din daw siya ni Aiko.

Sa mga naging lalaki sa buhay ni Aiko, si Onemig daw ang bukod-tanging di nalimutan ng ina ng aktres na si Mommy Elsie.

Unang nagkakilala sina Aiko at Onemig sa “The Buzz” noong 1997.

Since then, ang hindi raw malimutan ni Onemig kay Aiko ay ang mga freckles nito sa likod.

“Grabe…yung freckles sa likod sobrang ganda. Up to now, hindi ko pa rin makalimutan. Doon talaga ako nabighani,” pag-amin ni Onemig.

Wow. (Julie Bonifacio-Gaspar)

The post Natakot: Onemig Bondoc feeling sasaktan ni Aiko Melendez first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph