EntertainmentFeatured2 hours ago

Sigaw ni Melanie Marquez vs driver ni Rhian Ramos: `Michelle Dee inipit ng sabwatan sa Blackmail

tonite.abante.com.ph

Saturday, January 31, 2026

2 min read
Share:

Tumalak ang ina ni Michelle Dee at dating beauty queen na si Melanie Marquez sa driver ni Rhian Ramos. Tungkol ito sa pagsampa ng reklamo kontra sa magkaibigang celebrities. Naglabas ng kanyang saloobin si Melanie sa Facebook ukol sa eskandalong idinawit ang kanyang anak. Caption ni Melanie, “MON...

Tumalak ang ina ni Michelle Dee at dating beauty queen na si Melanie Marquez sa driver ni Rhian Ramos. Tungkol ito sa pagsampa ng reklamo kontra sa magkaibigang celebrities.

Naglabas ng kanyang saloobin si Melanie sa Facebook ukol sa eskandalong idinawit ang kanyang anak.

Caption ni Melanie, “MONEY IS THE ROOT OF ALL EVIL ACTS!😡😡😡

Ipinost ni Melanie ang isang old close-up pictire niya kung saan ang expression ng mukha ay matapang at palaban.

“Magnanakaw,” yan ang sigaw ni Melanie sa driver ni Rhian na nakasulat sa close-up picture ng dating Miss International

Pagpapatuloy pa ni Melanie sa kanyang FB post, “It’s exactly the definition of Rhian🤨 his real intention is to BLACKMAIL FOR MONEY with CONSPIRACY BEHIND this Liar!”

Sa paglipas daw ng mga araw, maaaring nagkaroon na ng sabwatan kung saan posibleng makabuo ng nakakaintrigang kwento.

Sabi pa ni Melanie, “Mukhang nasangkot ang driver sa conspiracy sa mga araw na pinalaya na ito! Ito ay isang malinaw na POSIBILIDAD!

Bukod dyan, nanawagani rin daw si Melanie sa taong nagpasimula ng eskandalo at nagkalat ng malisyosong akusasyon sa kanyang anak ay makulong sa bilangguan.

“THE PERSON WHO STARTED AND FEED THIS MALICIOUS EVIL ACTS OF CRIME TO SCANDALOUS THE IMAGES OF OUR ACCOMPLISHED ARTIST MUST PUT IN JAIL!”

May nag-comment na netizen ang naniniwalang may taong behind sa eskandalo nina Rhian at Michelle.

Sabe?

Bukas ang panig ng driver ni Rhian sa ikalilinaw ng isyu.

The post Sigaw ni Melanie Marquez vs driver ni Rhian Ramos: `Michelle Dee inipit ng sabwatan sa Blackmail first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph