Vlogger Jack Argota namumurong isubpoena ng NBI sa pekeng medical record ni PBBM
tonite.abante.com.ph
Saturday, January 31, 2026
Posible umanong ipa-subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) ang vlogger na si Jack Argota kaugnay ng pagpapakalat ng pekeng medical record ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa panayam sa “Politiko Talks” ng Bilyonaryo News Channel, inihayag ni NBI Acting Director Lito Magno na iniimbes...
Posible umanong ipa-subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) ang vlogger na si Jack Argota kaugnay ng pagpapakalat ng pekeng medical record ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa panayam sa “Politiko Talks” ng Bilyonaryo News Channel, inihayag ni NBI Acting Director Lito Magno na iniimbestigahan na ng ahensiya ang mga nagpakalat ng pekeng medical record laban sa Pangulo.
“Iniimbestigahan natin ‘yan dahil sa NBI, isa po sa ating mandato ay bantayan ang seguridad ng ating pangulo, vice president, and all the other top officials,” sabi ni Magno. “Lumalabas ito na national concern, national security na rin po ito.”
Paliwanag pa ni Magno, “Tama po ang sinasabi na may karapatan ang taong malaman ang public health ng Pangulo pero hindi po `yan nagbibigay ng pahintulot na kung ano-ano lang ang ilalabas natin at magkalat ng fake news.”
Matatandaan na naglabas si Argota ng umano’y medical record ni Marcos na may logo at pangalan pa ng St. Luke’s Medical Center, na kalauna’y itinanggi ng ospital.
Kasalukuyan na rin umanong isinasagawa ang imbestigasyon para matukoy ang iba pang nagpakalat ng fake news.
“Ang sinasabi ng batas, kung ang isang post o isang statement ay malicious, defamatory, at puwedeng makasira sa personahe ng isang tao, ‘yan ang sinasabi nating libelous. Ngayon kung gumamit ito ng internet, cyberspace, nagiging cyberlibel siya. Pinaparusahan ito ng batas,” ani Magno. (Angelica Malillin)
The post Vlogger Jack Argota namumurong isubpoena ng NBI sa pekeng medical record ni PBBM first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph
More from tonite.abante.com.ph

28 minutes ago
30 minutes ago
Всех гостей спортпарка в Подмосковье эвакуировали с канатной дороги
32 minutes ago
Artemis 2 SLS wet dress rehearsal latest news: NASA set to take stations for moon rocket fueling test - Space

32 minutes ago