Tinedyer nalunod sa falls kaka-picture
tonite.abante.com.ph
Saturday, January 31, 2026
Nasawi ang isang 16-anyos na binatilyo matapos malunod sa Nadsadjan Falls sa Barangay Passi, Igbaras. Sinubukan pang iligtas ng kanyang kuya ang biktima ngunit hindi na ito naisalba pa. Ayon sa Igbaras Municipal Police Station, habang kumukuha ng litrato si alyas Yan, residente ng Barangay Riro-a...
Nasawi ang isang 16-anyos na binatilyo matapos malunod sa Nadsadjan Falls sa Barangay Passi, Igbaras. Sinubukan pang iligtas ng kanyang kuya ang biktima ngunit hindi na ito naisalba pa.
Ayon sa Igbaras Municipal Police Station, habang kumukuha ng litrato si alyas Yan, residente ng Barangay Riro-an, Igbaras, nadulas ito at tuluyang nahulog sa tubig.
Tinangka pa siyang sagipin ng kanyang kuya, ngunit dahil sa lalim ng tubig, humingi sila ng tulong sa mga opisyal ng barangay at mga tanod. Umabot ng humigit-kumulang 30 minuto bago naiahon at nakuha ang tinedyer mula sa tubig.
Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. (Joven Escaniel)
The post Tinedyer nalunod sa falls kaka-picture first appeared on Tonite - Abante.
Read the full article
Continue reading on tonite.abante.com.ph



