VisMinLanao del Sur1 hours ago

Sundalong nakamotor, 15 beses binaril

tonite.abante.com.ph

Saturday, January 31, 2026

1 min read
Share:

Bulagta ang 33-anyos na sundalo ng Philippine Army (PA) matapos magtamo ng 15 bala mula sa high-powered firearm habang sakay ng motorsiklo sa Lanao del Sur, nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktima na si Cpl. Raven Bulaclac o Abdul Jaffar, 33, nakatalaga sa 55th Infantry Battalion ng PA at ...

Bulagta ang 33-anyos na sundalo ng Philippine Army (PA) matapos magtamo ng 15 bala mula sa high-powered firearm habang sakay ng motorsiklo sa Lanao del Sur, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Cpl. Raven Bulaclac o Abdul Jaffar, 33, nakatalaga sa 55th Infantry Battalion ng PA at nakatira sa Barangay Pantukan, Tugaya.

Sa ulat kay Capt. Steffi Salanguit, ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PROBAR), alas-7:00 ng umaga nang mangyari ang pamamaril sa Bandara-ingud, Pagayawan, Lanao del Sur.

Batay sa imbestigasyon, sakay ng kanyang Lifan KPV 150 motorcycle ang biktima at patungo sana sa Ganassi nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan.

Dead on the spot ang sundalo matapos magtamo ng humigit-kumulang 15 bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasamsam sa crime scene ang pitong empty shells ng caliber 5.56 at isang empty shell ng caliber .45.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring krimen. (Dolly Cabreza)

The post Sundalong nakamotor, 15 beses binaril first appeared on Tonite - Abante.

Read the full article

Continue reading on tonite.abante.com.ph

Read Original

More from tonite.abante.com.ph